Larawang pinagsama mula sa Dumalinao MPS FB Page |
Ngunit tila nakatadan na pangalanan ang isang retired na sundalo bilang 'Honesto' dahil siya ay naging matapat kahit na wala na siya sa serbisyo. Marami sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa dating Philippine Army Lieutenant na si Honesto Tosoc matapos niyang magsauli sa kaniyang bag na natagpuan na mayroong laman na Php107,000.
Ayon kay Tasoc, nakita niya raw ang bag sa Barangay Sibucao, Zamboanga del Sur na kung saan ito ay dinala kaagad nila sa istasyon ng pulis. Ngunit dahil sa ID na mayroon sa loob ng napulot na bag, hindi sila nahirapan na hanapin ang may-ari ng nawawalang bag.
Agad na hinanap ng Dumalinao, Zamboanga PNP ang may-ari ng pera at bag na nakilala bilang si Lolo Diosdado Gaco Perater, 76 taong gulang at nakatira sa barangay Maruing, Lapuyan, Zamboanga del Sur. Si Perater ay nagmadali ding pumunta sa istasyon kasama ang kaniyang asawa para kuhanin ang nawawalang bag at pera.
Si Tosoc din ay nasa police station para iabot ang napulot na bag at pera ng personal sa may-ari nito. Ang matanda naman ay nagpapasalamat sa kaniyang ginawa dahil mulang naibalik sa bag na mayroong laman na pera at ibang mahahalagang dokumento.
Sinabi naman ni Tosoc na hindi niya naisip na kuhanin ang laman ng bag kung kaya nga ito ay dinala na lamang niya sa istasyon. Mabuti na lamang daw dahil mayroong ID sa loob nito na makakatulong na mahanap ang may-ari nito. Nais pa din daw makapaglingkod ni Tosoc sa kaniyang kapwa kahit na siya ay retirado na sa pamamagitan ng pagiging isang disiplinado at tapat na mamamayan.

Marami naman sa ating mga netizens ang humanga sa ginagawang katapatan ni Tosoc. Marami sa kanila ang nagsasabi na si Tosoc ay isang inspirasyon sa marami na nakagawa ng malaking tulong sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kapwa. Ang kagandahang loob din ni Tosoc ay isang patunay na ang mga opisyales ay handang maglingkod kahit sila ay nasa serbisyo pa o wala na.
Saad ng isang netizen,
“Pangalan pa lang, Honesto na talaga! Good job, sir! Sana ay marami pang sundalo ang maging katulad mo! Nakakahanga ka.”
Source: GMA News, Facebook
Saad ng isang netizen,
“Pangalan pa lang, Honesto na talaga! Good job, sir! Sana ay marami pang sundalo ang maging katulad mo! Nakakahanga ka.”
Source: GMA News, Facebook