Regalo sa Teacher’s Day ng Isang Estudyante – Native na Manok at Buhay pa! - The Daily Sentry


Regalo sa Teacher’s Day ng Isang Estudyante – Native na Manok at Buhay pa!



Larawang pinagsama mula sa Facebook/Talon Claude
Kamakailan lang ay idinaraos ang araw ng mga guro o ang tinatawag nating teacher’s day. Marami sa atin ang nais magparamdam ng pagmamahal sa ating mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo. Gayon pa man, hindi naman lahat ng mag-aaral ay pareparehas ng mga ideya; ang iba ay nagbibigay ng bulaklak, samantalang ang iba naman ay pagkain.

Magkakaiba talaga ang antas ng pamumuhay ng ibat-ibang Pilipino. Sa pagbibigay ng regalo, makikita na ang pagiging galante ng isang tao. Pero ang totoo naman, wala sa laki o liit ng regalo ang ibibigay mo. Kahit konte ay sapat na lalong lalo na kung eto ay galing sa puso.

Isa na rito ang nagpamalas ng kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang guro sa pamamagitan ng pagreregalo ng isang native na manok. At akalain mo yun, eto ay buhay pa. Ang estudyanteng eto ay nagngangalang Ligaspi ng Banwalan Primary School sa General Santos City. Kamangha-mangha at kahanga-hanga ang kanyang ginawa.
Larawan mula sa Facebook/Talon Claude
Kasama ang caption, walang pakundangan at pinagmalaki neto ang kanyang regalo sa kanyang teacher na ipinakita sa Facebook - “Wala yang flowers, chocolates, cakes and balloons niyo sa native manok ko! Hahaha..???? Thank you Legaspi. Pinaka happy teacher si Maam. It doesn’t matter how expensive or how cheap it is. It’s always the thought that counts,”

Bago pa man ang araw ng mga guro, nasabi ni Talon Claude (isang guro) sa SunStar Davao na ihinabilin nya sa mga estudyante na magdala ng regalo para sa kani-kanilang mga guro. Dagdag pa neto, maari rin nilang ipamahagi ang mga regalo kahit sa iba pa sa kadahilanang tatlo (3) lang silang guro ng paaralan maliban sa pamunuan o school head.

Nabigla ang guro ng tanongin siya ng estudyante kung maari daw na manok na lang ang iregalo sa kanya. Hindi sya makapaniwala hanggang sa dumating na ang oras ng pagdiriwang.
Larawan mula sa Facebook/Talon Claude
“Three lang po kasi kami sa school so sabi ko bigyan natin lahat ng teachers kasi tatlo lang naman kami. Pili lang kayo sa amin. Nag-raise lang po sya ng question if pwede ba daw manok ibigay. I said yes pwede yan as long as bigay niyo from the heart at saka dapat ipagpaalam muna sa parents. Sabi ko kahit ano pa yang dalhin niyo okay lang. Wala silang na mention na name kung sino bibigyan,” – aniya ni Claude.

“Na-shocked po ako. Haha sabi ko nga kala ko joke lang, yon pala totoo pala po. Sabi ng co-teacher ko ulamin nalang po daw namin, sabi ko ‘wag lang muna ma’am. E-document ko muna yan kasi first time ko pong makakatanggap ng manok. It means a lot to me…” – dagdag pa niya.

Source: Facebook