Paghuhugas ng plato, nakababawas ng stress ayon sa pag-aaral - The Daily Sentry


Paghuhugas ng plato, nakababawas ng stress ayon sa pag-aaral



Photo for illustration purposes only. Photo compiled from Facebook Photos
Tayong mga Pinoy ay nag-uunahang kumain lalo na kung masarap ang pagkaing nakahain. Pero pagkatapos ng tsibugan, aminin natin, isa sa mga ayaw nating gawin ay ang hugasan ang mga pinagkainan.

Ika nga pagkatapos ng sarap ay may naghihintay nang hirap. At sa mga ordinaryong indibidwal sa bahay – ito ay ang pag­huhugas ng mga kaldero’t plato lalo na kung tadtad ito ng sebo.

Sa maniwala kayo at hindi, ang paghuhugas ay may magandang naidudulot sa katawan. Batay sa isang pag-aaral sa Florida State University (FSU), lumitaw na ang paghuhugas ng plato ay nakakapagbababa ng stress level lalo na kung ito ay bukal sa kalooban.


Sa ginawang pag-aaral na pinangungunahan ni FSU doctoral candidate Adam Hanley ay sumailalim sa paghuhugas ng plato ang 51 estudyante. Pero bago ang paghuhugas-plato, inatasan munang magbasa ng passages ang mga ito tungkol sa paghuhugas.

Kalahati sa kanila ay binigyan ng maikli at straightforward na passage habang ang kalahati ay pinabasa ng passage na nakasentro sa pagiging ‘mentally present’ o bukal sa damdaming pag­huhugas ng plato.

Sa lumabas na resulta ay nadiskubreng ang mga nag-iisip at enjoy na kalahok ay na-inspire pa ng 25% at 27% na bumaba ang stress at nerbiyos samantalang walang nabago sa mga participant na na­kabasa ng simple at straightforward na talata.

Pinapatunayan lang ng pag-aaral na kahit na ang paghuhugas ng plato ay hindi ang pinakamasayang gawaing bahay ay mayroon pa ring paraan para ma-enjoy ito – ang pag-focus sa karanasan.

Dahil dito, ang suma-total, ayon na rin sa mga author ng pag-aaral ay “it appears that an everyday activity approached with intentio­nality and awareness may enhance the state of mindfulness.”

Source/s: Remate, Abante