Rachelle Claire Melchor | Photo from Pilipino Feed |
Sa buhay ngayon, pinipili nalang ng ating mga matatapang na mga kababayan ang iwanan ang kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pinas upang mabigyan ng magandang pamumuhay at maiahon ang kanyang sariling pamilya sa kahirapan.
Isang Facebook post ng sa isang netizen ang ngayo'y trending at patuloy na pinag-uusapan sa social media.
Ang isang OFW na si Rachelle Claire Melchor ang siyang nag post at ikinuwento ang naging napag-usapan niya at ng kanyang kaibigan na nanay ng kanyang inaanak.
Sa post ni Rachelle, sa unaay kinamusta siya ng kanyang kaibigan na siya ring Ina ng kanyang inaanak at sa kalaunan ay nagbilin na ito ng pasalubong para sa kanya at sa anak nito.
Hanggat humantong ang usapan sa pag-imbita nito ulet ky Rachelle na maging ninang ulet sa bunso pa nitong anak at nag demand na sumagot ito ng gastos sa binyag na nagkakahalaga ng 5-thousand.
Basahin ang buong Facebook post ni Rachelle:
"Pangalawang magulang po hindi sponsor"
Nakakalungkot lang isipin na kinukuha kang ninang ng iba mong kaibigan para lang may ganito ganyan. Keso nasa abroad daw ako keso malaki daw sahod ko. Oo nasa abroad ako pero di ako lumalangoy sa pera. Kung ano man yung kinikita ko pinaghihirapan ko yun.Kung anong meron ako nagtitipid ako para makuha ko yun. Pinaghihirapan yun ng mga OFW sa kung saan saang panig ng mundo.
Hindi kami nakaupo lang at naghihintay lang ng grasya. Never ever think na nandito kami para lang sumakit ang ulo kakaisip ng ipapasalubong sainyo. Iniisip din namin yun. Pero may kanya kanya tayong needs and expenses.Nakakalungkot nga kakamustahin ka lang pag ganyan.
Kakausapin ka lang pag manghihingi ng pasalubong o ng pabor.Hindi naman ako nanghingi ng pabaon nung umalis ako diba? Kung makahingi wagas ? Sapilitan? Willing naman ako magbigay sa inaanak ko which is diko naman talaga kasi alam na ninang niya ko. Pero wag nmn sana s gnung way kasi nakakasama ng loob.
Bawal tumanggi sa pagiging ninang at ninong. At ayoko naman talagang tumanggi kasi angels ang mga bata pero isipin nyo na kaya nyo kame kukuning ninang at ninong para nandito kami na magbibigay ng guidance if ever na wala kayo sa tabi nila hindi para gawing sponsor.
Photo from Rachelle's post |
Photo from Rachelle's post
Photo from Rachelle's post |
Photo from Rachelle's post |
Photo from Rachelle's post |
4
Photo from Rachelle's post |
Photo from Rachelle's post |
Source: rachelle.c.melchor | Facebook
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!