Courtesy of Bhoi Cambaya |
Ang kanyang mga litrato ay kumalat sa social media at pinagpyestahan ng mga netizens. Naalarma ang mg otoridad at agad na umaksyon. Pinagmulta ito ng halagang P2500 dahil sa paglabag ng ordinansa sa Boracay.
"Mayroong ordinance ang municipality of Malay du'n sa mga nagsa-sunbathing na nakahubad [at] topless. And also, 'yung talagang walang saplot, talagang ina-apprehend 'yun," sabi ni Police Maj. Jess Baylon, hepe ng Boracay Malay Police Station.
Dahil hindi marunong magsalita ng Ingles ang babaeng Taiwanese, ang nobyo nito ang nakipag-usap sa mga pulis.
"Isa [daw] 'yun sa way nila in order for them to express themselves how confident she is na may ganyang katawan siya, and for them, it's okay with them kasi sa lugar nila, medyo liberated," sabi ni Baylon.
Nagbabala din ang mga otoridad sa mga namamahala ng mga hotel at resort sa Boracay na paalalahanan ang kanilang mga guests ng regulasyon ng isla.
"This will be the eye-opener. They must be briefed, and they must inform their guests upon check-in that they have to follow the proper decorum and the rules and regulations inside the island," sabi ni Baylon.
Sa ngayon ay nakaalis na sa isla ang babaeng Taiwanese at ng kanyang nobyo.
Source: ABS-CBN News