Netizens, Humanga sa Tatay na ito na Sinamahan ang kaniyang Anak na Naka-Wheelchair at kumuha ng LET - The Daily Sentry


Netizens, Humanga sa Tatay na ito na Sinamahan ang kaniyang Anak na Naka-Wheelchair at kumuha ng LET



Larawang pinagsama mula sa Facebook
Sa panahon ngayon ng social media, marami na tayong nakikitang mga netizens na nagbabahagi ng kanilang mga pinagdaanan at mga sakripisyo na ibinigay ng kanilang mga magulang bago sila nagtagumpay na maipasa ang Licensure Examination for Teachers (LET).

At neto lamang ngang Setyembre, mayroong na kaagad nagpaantig sa puso at naging inspirasyon ng marami sa atin kahit hindi pa man nailalabas ang resulta ng nasabing exam. Kamakailan lamang, isang netizen na si Sheila Mae Glor ang nagbahagi sa kaniyang Facebook account ng isang nakakaantig na kwento at kung gaanong suporta at pagmamahal ang ibinibigay ng isang ama ang kaniyang anak na kumuha ng LET.

Kwento ni Glor na kaniyang napansin ang isang tatay na magiliw na naghihintay sa labas ng silad kung saan ginanap ang LET. 6:30 daw ng umaga ng magsimula ang nasabing exam at nakita niya si Tatay na matiyagang naghihintay sa sulok. Sinabi din niya na bawat taong dumadaan sa matanda ay ginagawaran niya ng isang ngiti. Kung kaya't doon pa lang naramdaman na ni Glor ang suportang ibinibigay ng matanda sa taong kaniyang hinihintay na matapos sa exam.
Larawan mula sa Facebook
Ang LET ay dinaos ng maghapon. Si Glor naman ay nayari ng bandang 5:30 at nakita niya pa rin ang matanda doon pagkalabas niya ng silid. Kwento ni Glor na nginitian din siya ng Tatay at nagkaroon pa sila ng maiksing kwentuhan.

Kwento raw ni Tatay kay Glor na mukhang proud na proud sa kaniyang anak,

“Nag-eexam sa loob ang anak ko eh.”

Nang tanungin daw ni Glor kung sino ang anak na kaniyang hinihintay sa mga taong nag eexam pa sa loob ay tinuro daw ni Tatay ang isang lalaki na nasa wheelchair. Marami pa daw na kwentong ibinahagi ang matanda tungkol sa kaniyang anak.

Ani ng matanda,

“Nag-eexam sa loob ang anak ko eh.”

Nang marinig ang mga katagang iyon, naantig daw ang damdamin ni Glor at kaniyang napagtanto lahat ng sakripisyo na kayang ibigay ng isang magulang para sa anak nito. Lahat daw ay gagawin nito para lamang sa anak.

Saad ni Glor sa kaniyang viral post,

“Isinama ko po kayo sa prayer ko Tay. Na nawa bigyan ka pa ng mas mahaba pang buhay at mas malakas na katawan. At nawa din makapasa ang anak n’yo.”
Larawan mula sa Facebook
Ang kanilang kwentuhan din daw ay hindi nagtagal dahil nayari na sa exam ang anak ni Tatay. Ngunit ganon pa man, ito pa rin ay nagsisilbing inspirasyon para kay Glor gayun na rin sa mga taong kumuha ng LET.

Marami naman sa ating mga netizens ang naka-relate sa kwento ni Tatay at ng kaniyang anak na patuloy pa rin na inaabot ang kaniyang pangarap kahit na ito ay mayroong kapansanan.

Source: OMG Balita