|
Larawang pinagsama mula sa Facebook/JuliusBabao |
Lahat ng mga magulang ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaaya upang mabigyan ng isang magandang kinabukasan ang kanilang mga anak at mapabuti ang mga ito. Ang mga ina din ay gagawin ang lahat kahit na nga isakripisyo nila ang lahat para lamang mabigyan ng isang maayos na buhay ang kanilang mga anak. Ang ating mga ina ay tinatawag din bilang isang "ilaw ng tahanan" dahil sila ang madalas na nagsisilbi at nag aalaga sa pamilya sa loob ng tahanan habang ang mga ama naman ay nagtatrabaho at sila din ang nagbibigay ng gabay sa paglaki natin.
Ngunit, si Nanay Eunice na siya ding tumatayo bilang isang Padre de pamilya sa kaniyang mga anak dahil siya ay ang nagtatrabaho para dito. Siya ay isang kundoktrora ng bus na kaniya ng trabaho simula pa noong siya ay tumungtong ng 19 taong gulang hanggang sa siya ay makapag-asawa ay magkaroon ng pitong anak.
|
Larawan mula sa Facebook/JuliusBabao |
Si Nanay Eunice ang siyang kumakayod sa araw-araw para lamang mayroon silang magamit sa pang araw araw na pangangailangan sa bahay habang ang kaniyang asawa naman ay walang trabaho at ito na ang naiiwan sa bahay kung saan ito ang gumagawa ng mga gawaing bahay at nag-aalaga sa kanilang mga anak.
|
Larawan mula sa Facebook/JuliusBabao |
Kamakailan lamang, ang kaniyang panganay na anak ay nakapagtapos ng kolehiyo sa University of the Philippines sa may Diliman. Bukod pa dito, ito din ay nakapagtapos ng myroong uwing medalya dahil na rin sa kasipagan at tiyaga nito sa kaniyang pag-aaral.
Si Nanay Eunice naman ay talagang sobrang proud sa nakamit ng kaniyang anak na tila siya ay nanalo na sa lotto sa labis na kasiyahan.
|
Larawan mula sa Facebook/JuliusBabao |
Ang pagiging konduktor ay isa sa mga pinakamahirap na trabaho lalo na kung ang bus ay masikip dahil sa dami ng mga taong sumasakay dito. Minsan pa nga ay mayroon ding kaganapan na may mga masasamang loob ang nagtatangkang manghipo o magnakaw sa mga pasahero.
|
Larawan mula sa Facebook/JuliusBabao |
Ngunit kahit ganoon, para bang lahat ng pagod, sakripisyo, at pagsisikap ni Nanay Eunice ay nagbunga dahil napagtapos niya ang kaniyang panganay na anak na maaari ng tumulong sa kaniya sa pagtataguyod ng kanilang pamilya at ang mapagbigyan sila ng isang magandang buhay.
Source:
Facebook