Larawan mula sa Facebook |
Nag-viral sa social media ang ibinahagi ng isang netizen na si Peng Contreras Carpo sa kaniyang Facebook account kamakailan lamang matapos niyang itampok ang isang matandang lalaki na kaniyang nakasakay sa jeep.
Kwento ni Peng na maraming mga pasahero ang nagrereklamo tungkol sa amoy ng matanda na kaniyang nakilala bilang Tatay Bert.
Dahil sa mga reklamo, napilitan ang driver ng jeep na pahintuin ang kaniyang sasakyan at pababain ang matanda.
Dala naman ng awa na naramdaman ni Peng, pinigilan niya ang driver at sinabi na siya na ang magbabayad ng magiging pamasahe ng matanda.

Matapos ng pangyayari, humingi ng pasensya si Tatay Bert at sinabi na siya ay nakatira sa Guimaras at napilitan na mamalimos sa Iloilo kung kaya't halos isang linggo na siyang walang ligo dahil hindi pa siya nakakauwi sa kanilang tirahan.
Ipinakita pa nito ang laman ng kaniyang bag na puno ng damit at pagkain na kaniyang iuuwi sa kaniyang pamilya. Bukod pa dito, kailangan niya ding bilhan ng gamot ang kaniyang asawa dahil ito ay may sakit.
Kahit din daw gustuhin niya magtrabaho ay wala ng tumatanggap sa kaniya dahil siya ay matanda na.
Hiyang hiya naman ang mga pasahero nang malamang ang tunay na kwento ni Tatay Bert at dahil na rin sa mga pangungutya na kanilang sinasabi sa matanda dahil lamang sa hindi magandang amoy nito.
Si Peng naman, sa kabilang banda, ay sinabi na nadurog ang kaniyang puso at halos maluha luha dahil sa kwento ng matanda.

Narito ang buong kwento ni Peng Contreras sa kanyang Facebook account:
Sumakay ako ng jip na byaheng CPU, nagtaka ako kung bakit halos lahat ng mga pasahero ay nakatakip ang ilong, at habang bumibyahe na kami unti unti na rin akong nakakaamoy ng hindi maganda sa ilong, at dun ko na napagtanto na kay tatay pala nanggagaling yong amoy na yun.
Nang makarating kami sa Atrium/ Casa Plaza biglang tumigil ang jip at bumaba ang driver at pilit pinapababa si tatay kasi daw hindi kagandahan sa ilong ang amoy nito at nagrereklamo daw ang ibang pasahero ng Jip, simula kasi ng pagsakay ko halos lahat ng pasahero, mostly babae ay kinukutya at nilalait si tatay ng pabulong(in short pinag tsi-tsismisan)
Halos mangiyak-ngiyak si tatay habang pilit syang pinapababa ng driver, doon nako umalma at sinabi kong ako nalang ang magbabayad ng pamasahe ni tatay para tumigil na ang driver.
Nang tinanung ko si tatay kung saan sya pupunta, ang sagot kagad sakin ni tatay ay;
"Pasensya na kayo mga anak kung hindi maganda ang amoy ko, halos mag iisang linggo na kasi akong hindi naliligo, namamalimos kasi ako dito sa Iloilo para mabilhan ko ng pagkain ang aking mga Apo at Anak, at mabilhan ko rin ng gamot yung asawa kong maysakit"(Mejo hirap sa pagsasalita at paglalakad si tatay bert dahil na stroke daw ito)
Sabay ipinakita sakin ni tatay ang laman ng kanyang dalang sako bag, puno ito ng pagkain(mostly tinapay, pandesal,ensaymada)at konting mga damit,ung iba daw binili ni tatay sa kita nya sa pamamalimos at ung ibang mga pagkain nmn daw na masasarap( sabi ni tatay) ay binigay daw sakanya ng mga taong naawa sa kanya,tiniis daw talaga nyang hindi kainin ang mga ito para ibigay sa kanyang mga Apo
Nang marinig ng mga kapwa ko pasahero ang dahilan ni tatay ay parang nilamon sila ng kanilang hiya dahil sa kanilang panghuhusga kay tatay, at ako naman habang pinapakinggan ang kuwento ni tatay ay parang dinudurog ang puso ko sa Awa ko kay tatay, grabe ang pag pigil ko na hindi umiyak nung mga oras na yun
Tinanung ko ulit si tatay kung anung pangalan nya at taga saan sya,
Sya daw si Tatay Bert, at taga Guimaras daw sya, pumunta daw sya dito sa Iloilo upang mamalimos kasi gustuhin man nyang maghanap ng maayos na trabaho ay wala daw halos tumatanggap sakanya kasi nga daw ay may edad na sya, kaya napagpasyahan nalang nya na mamalimos upang matustusan ang Pangangailangan sa gamot ng kanyang Asawa.
At habang nagkukuwentuhan kami ay hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na ipagdasal si tatay at ang kanyang pamilya, at magbahagi na rin sakanya ng salita ng Panginoon.
(Note: sa sarap ng kwentuhan namin ni tatay ay lumagpas nako sa bababaan ko😄)
Ano po ang gusto kong ipoint out dito sainyo mga kapatid??
Wag po sana tayong manghusga sa kung anu lang ang nakikita ng ating mga mata dahil hindi natin alam kung anu ang dahilan at bakit sinapit nila ang ganung mga sitwasyon
Sabi nga sa Bible,
1 Samuel 16:7 "the Lord does not look at the things man looks at, Man looks at the outward appearance, but the Lord looks at the heart"
Kung tayo nga ay hindi hinusgahan ng Panginoon sa ating mga kasalanan,na sa kabila ng ating mga pagkakasala tayo ay kanya pa ring pinatawad at tinanggap, eh sino tayo?, anu ang karapatan natin na husgahan ang ating kapwa sa kung anu lang ang nakikita ng ating mga mata.
Sana po ay magsilbing eye opener sa atin ito mga kapatid na imbes na pangunahan tayo ng panghuhusga bakit hindi nalang natin ipagdasal ang mga kagaya ni Tatay Bert!
GODBLESS😍😍😍
Source: Peng Contreras FB
-------------------------------------------------------------------------