|
Larawang pinagsama mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
Sa mga Pilipino, kadalasan ang tawag sa mga nagtratrabaho sa bahay ay katulong. Ngunit, may talagang tawag para sa mga eto. Ang Maid sa wikang engles ay “kasambahay” naman sa wikang Pilipino. Ang salitang kasambahay ay tinaguriang parang kasama eto sa bahay. Kung sa medaling sabi, eto ay maari nating ituring na kapamilya o isa sa bahagi ng ating kasama sa bahay.
Sa mga mayayamang tao, may kanya –kanya silang kasambahay na itinatrato nila bilang isang kaibigan. Kadalasan pa nga, ang mga kasambahay pa ang nagsisilbing pangalawang magulang sa mga pamilyang halos ginugugol ang buong araw sa trabaho.
Tulad na lang ng isang aktres na eto na kung itrato nya ang kanyang mga kasambahay ay tila parang mga kaibigan nya eto. Inihayag ni Mega Star Sharon Cuneta ang isa litrato sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang kasambahay na kumakain sa isang restaurant.
|
Larawan mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
|
Larawan mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
Walang pakundangan na ipinagmalaki ni Mega Star ang kanyang mga kasambahay na naging Yaya at nag-aruga sa kaniyang mga anak na sina KC, Frankie, at Miel. Inisa-isa rin niya ang pangalan ng kasambahay kung sino ang kanilang inalagaan. Aniya sa kanyang post – kakie’s Yaya si Irish, Yaya ni Mega na si Hanzel, assistant ni KC na sina Vilma at Belle.
|
Larawan mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
|
Larawan mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
Dahil sa loyalty ng mga kasambahay ni Mega, inihayag nya eto sa publiko sa isang social media sa kadahilanang halos ginugol ng mga eto ang pagseserbisyo kay Mega ang kanilang buhay saloob ng ilang taon. Pero alam naman natin na hindi maiiwasang magkaroon ng bashers o kritiko lalong lalo na kapag sikat na sikat ang isang tao. Dahil dito, may isang netizens na tumuligsa sa caption ni Mega na “Yaya” at pati na rin ang larawan na kuha kung saan nakasoot pa ang mga eto ng uniporme.
Hindi naman naapektohan ang aktres, bagkos, inihayag pa neto ang pang larawan na nagpapakita kung paano nya tratohin ang kanyang mga kasambahay. Ipinakita nya na isinasama nya eto sa abroad tulad ng US, Bankok, Paris, Japan, at Hongkong. Nabangit din nya na naisasama pa nya ang kanyang mga kasambahay sa Disneyland. At dagdag pa dito tungkol sa mga kasambahay, hinahayaan ni Mega ang mgaq eto na isuot ang mga nais nilang damit.
|
Larawan mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
Sa kanyang sagot sa mga netizens na pumuna sa kanyang pahayag na “Yaya”, pinaliwanag nya na bukod sa Yaya ay may iba pa syang tawag tulad ng “ate” at “nana”. Dagdag pa niya, hindi nila tinatawag ang mga eto na “yaya” sa ordinaryong pasalita ngunit sa pagtawag nang malambing.
|
Larawan mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
Ipinagmalaki pa ni Mega ang kanyang pagtrato sa mga eto kahit ang kanya mismong team ay nagseselos na sa mga kasambahay nya. At dahil na rin sa mga magagandang reaksyon ng ibang netizens, ikinatuwa nya eto at dinagdag sa kanyang pahayag na wala naman daw masama kung “Yaya” ang itawag nya dito dahil kapamilya naman daw ang turing nya sa mga eto.
|
Larawan mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
|
Larawan mula sa Instagram/ReallySharonCuneta |
Alam naman nating lahat na ang kasambahay ay tumatagal na maglilinkod sa’yo lalong lalo na kung maayos talaga ang pagtrato sa kanila.
Source:
Recovery Crate