Matapos tanggihan ng OFW na ito na bilhan ang kaniyang kaibigan ng isang Gucci o MK bag ay binlock siya nito - The Daily Sentry


Matapos tanggihan ng OFW na ito na bilhan ang kaniyang kaibigan ng isang Gucci o MK bag ay binlock siya nito



Larawan mula sa OMG Balita

Karamihan sa ating mga Pilipino ay mahilig sa mga imported na pasalubong mula sa mga kaibigan at kamag-anak sa ibang bansa o sa mga Overseas Filipino workers (OFWs). 

Ngunit, nakakalungkot lang isipin na mayroon pa ding mga tao na sadyang hindi marunong mahiya at talaga namang magpapabili pa ng mamahaling mga branded na mga gamit. Akala nila ay mayayaman at madaming pera ang mga nagtatrabaho abroad.


Ang OFW na si Lynne Cherries ay kamakailan lamang nagbahagi ng kaniyang nakakalungkot na kwento tungkol sa kaniyang matalik na kaibigan sa loob ng walong taon ang bigla nalang siya ib-block sa social media dahil lamang hindi niya ito maibili ng isang MK o kaya Gucci na branded bag.

Si Lynne ay nag-alok sa kaniyang kaibigan na bibilhan niya sila ng bag bilang pasalubong. Pinadalhan niya lang ng mensahe ang ilan sa malalapit niyang mga kaibigan para hayaan ang mga ito na pumili ng bag na gusto, para na din mai-order niya ang mga gamit at dalhin sa kaniyang pag-uwi.

Larawan mula sa OMG Balita

Ngunit, isa sa kanyang mga kaibigan na babae ang tila may ibang gusto. Ang kanyang gusto ay isang MK o Gucci bag. Sinabi ng babae kay Lynne na mas gusto nito ang may tatak o branded na bag at hindi pumili sa mga litrato na ipinadala ng OFW.

Larawan mula sa OMG Balita

Nang pinaalalahanan ni Lynne ang kaniyang kaibigan na siya ay nagpadala lang ng mensahe sa ilang tao para pumili ng pasalubong dahil siya ay wala namang ganoong kadaming pera, ang babae ay nagsabi na nais na lang niya ang mga branded bag na mula sa mga personal na koleksyon ni Lynne. Sinabi pa nito na maarte si Lynne pagdating sa mga bags at kayang kaya na bumili ng mga branded.


Muli, sinabi ni Lynne sa kaniyang kaibigan na pumili na lamang sa mga litrato at pinaalalahanan niya ito na kaunti lamang ang magkakaroon ng pasalubong mula sa kaniya, ngunit ang kaniyang kaibigan ay pinipilit na ibili niya ito ng isang branded na bag.

Dagdag pa ng babae na hindi talaga siya mahilig sa mga sling bags na inaalok sa kaniya ni Lynne. Kung di niya daw kayang bilhin ang branded bag na nais niya, sapatos ba lamang daw ang ipasalubong sa kaniya.

Larawan mula sa OMG Balita

Sinabi din ni Lynne sa kaniyang kaibigan na hindi niya inaasahan ang sagot nito sa kaniya dahil sa lahat ng tao na pinadalhan niya ng mensahe ay sumagot ang mga ito ng may kasiyahan sa kaniyang alok at pumili na lamang sa mga litrato.

Larawan mula sa OMG Balita

Nang siya ay nagpatuloy sa pagtanggi sa Gucci o MK bag, ang kaniyang kaibigan naman ay ibinlocked siya.

Larawan mula sa OMG Balita

Pinayuhan din ni Lynne ang kaniyang kaibigan na maghanap ng trabaho sa ibang bansa kung nais niya talaga ng isang branded bag para na din malaman niya kung gaano kahirap ang trabaho ng mga OFWs para lamang kumita ng pera at lumayo pa sa kanilang mga pamilya para mabigyan ito ng magandang buhay.

Source: OMG Balita