Isang Lola ang Patuloy na Nagtitinda ng Mais Maulan man o Maaraw - The Daily Sentry


Isang Lola ang Patuloy na Nagtitinda ng Mais Maulan man o Maaraw



Larawang pinagsama mula sa Facebook

Marami na tayong nasaksihan na mabuting gawa at mabuting balita sa social media halos araw araw. Ngunit, ang matandang babae na ito ay umantig sa mga puso ng maraming netizens dahil sa kaniyang pagtatrabaho sa ilalim ng mainit na araw at ang hindi maiiwasang pag-ulan sa araw-araw. Siya din ay tila matanda na ngunit nakakaya pa niyang kumita ng maliit na halaga para sa kaniyang sarili at para na din sa kaniyang pamilya.


Kaya naman isang netizen na si MiracArl Barder ang nag-upload ng larawan ng isang matandang babae sa kaniyang Facebook account at nilagyan ito ng caption na,

Larawan mula sa Facebook

“Umulan umaraw nag titinda padin c nanay. Sana po bilhan po niyo siya pag makikita niyo. Masayang masaya na po siya. Sana po may tumulong po sa kaniya.”

Larawan mula sa Facebook

Ang mga netizens naman ay hinangaan ang matandang babae dahil sa kaniyang sipag at dedikasyon sa trabahong kaniyang ginagawa. Ngunit, marami din sa kanila ang nag-aalala sa kalagayan ng kalusugan at seguridad ng matandang babae. Sa edad ng matanda, dapat ay kaniya nang ine-enjoy ang kaniyang buhay. Marami naman sa ating mga netizens and nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa nakita at kung ano ang kanilang tunay na nararamdaman sa estado ng matandang babae.


Marami din sa mga netizens ang nag komento na talagang nakakasakit ng damdamin na makita na ang matanda na nagtatrabaho pa din para lamang kumita ng pera. Nawa'y makita din ng mga awtoridad ang viral na litrato ng matanda at tulungan ito sa kaniyang sitwasyon ngayon. Marami naman sa ating mga netizens ang nais maghatid ng tulong sa kaniya at nais malaman kung saan nakatira ang matandang babae.



Sa panahon ngayon, mahirap na talagang humanap ng isang trabaho na makakapagbigay ng magandang sweldo. Kaya naman marami sa atin ang napipilitan na magtrabaho kung ano ang kaya nila. Ngunit, minsan tayo ay nakakalimot sa realidad na tayo ay sobrang blessed sa pagkakaroon ng isang matibay na katawan na nagiging rason para tayo ay makapagtrabaho ng maayos.

Nararapat lamang na tayo ay magpasalamat sa maraming bagay na mayroon tayo ngayon, dahil hindi naman lahat sa atin ay mayroong mga bagay na ating tinatamasa.

Source: Facebook