Matatandaang kamakailan lamang ay lumutang ang istorya ng isang babaeng nagbahagi ng kanyang nakakaawang kalagayan.
Basahin dito ang kanyang kwento: Isang babaeng may Bell's Palsy, nagbabala sa mga posibleng sanhi ng ganitong kundisyon
Ayon sa kanya, nagkaron sya ng karamdaman na tinatawag na Bell's Palsy dulot ng kanyang nakagawiang lifestyle noon.
Paliwanag nya, ang pagkahilig nya sa milk tea, madalas na pagkain sa fast food, at pagtulog ng basa ang buhok ang mga naging sanhi ng kanyang pagkakaron ng nasabing sakit.
Ito ay mariing tinutulan ng isang netizen na nagngangalang Shannin Aleah Retirado.
Ayon kay Retirado, isang licensed Physical Therapist, ang naturang Facebook post ng may sakit na netizen ay "Sobrang fake news at papansin".
Bungad nya, "ATE GIRL, KNOW YOUR "FACTS" FIRST. 30k+ shares? Dami mong nauto ha".
"Hindi nakukuha ang Bell's Palsy sa milktea, fastfood, at pagtulog na basa ang buhok!!!!", deretsahang pahayag ng Physical Therapist.
Matapos maghayag na kanyang reaksyon sa nasabing post, ibinahagi ni Retirado ang siyentipikong paliwanag kung bakit nagkakaron ang isang tao ng Bell's Palsy.
Narito ang kabuuan ng kanyang sinabi:
ATE GIRL, KNOW YOUR "FACTS" FIRST.
30k+ shares? Dami mong nauto ha
Sobrang fake news at papansin ng post na 'to.
Hindi nakukuha ang Bell's Palsy sa milktea, fastfood, at pagtulog na basa ang buhok!!!!
Gigil mo buong PT community ay ah!
---
Bell's Palsy is idiopathic. Meaning it has no definite cause. AGAIN, IDIOPATHIC.
However, RESEARCH has shown that it is often caused by viral infections such as Herpes Simplex.
It is MORE COMMON in people with Diabetes Mellitus and in pregnant women.
---
PS. Adik din ako sa milktea pero bakit wala akong Bell's Palsy hello
PS ULIT. Nakakatawa yung mahipan ng masamang hangin anu na gerl funny mo
PS ULIT HA. Sharing is caring ka pa, mali mali naman pinagsshare mo kagigil ka po
From Shannin Aleah Retirado's post |
From Shannin Aleah Retirado's post |
From Shannin Aleah Retirado's post |
Source: Shannin Aleah Retirado