Korte Suprema mas pinasimple pa ang paniningil ng Utang - The Daily Sentry


Korte Suprema mas pinasimple pa ang paniningil ng Utang



Larawan mula sa OFW Life
Sinusulong ngayon ng Korte Suprema sa ilalim ng revised small claims procedure ang paniningil ng pera sa isang mabilis at simpleng proseso. Makukuha na kaagad ang desisyon sa loob ng 30 araw mula nang maisampa ang kaso imbis na aabuti ito ng taon.

Money claim na ang hinahabol ng mga metropolitan at municipal trial courts kung kaya't mas mapapadali ang pagsampa ng kasong sibil, kasama na din dito ang bayad para sa pagbebenta, upa, pagsasangla, serbisyo, at utang.

Hindi na din kakailanganin ng abogado para masingil ang hindi lalagpas sa Php200,000 sa ilalim ng revised small claims procedure. Kinakailangan lamang ng supporting documents at small claims form.

Agad naman aabisuhan at pasasagutin ang sinampahan ng kaso matapos ang pagsama ng kaso. Sila din ay magsasabi ng petsa kung kailan gaganapin ang hearing na hindi naman aabot o lalagpas pa sa 30 araw mula nang ang kaso ay isinampa.
Larawan mula sa PH Alerto News
Agad din magdedesisyon ang huwes sa loob lamang ng 24 na oras kapag hindi nagkaayos ayos ang dalawang panig sa hearing.

Nagdesisyon ang Korte Suprema na ipatupad ang revised small claims upang mabawasan din ang mga kasong isinasampa sa korte at para din sa mga mahihirap na hindi kayang magbayad o kumuha ng isang abogado.

Kapag naman wala talagang pinansiyal na kakayanan ang isang tao, makakakuha sila ng exemption at mura rin ang filing fee.

Ngunit, mayroong karagdagang bayad sa bawat defendant na idadagdag para hindi na din maabuso ang sistem. Kapag humigit sa limang beses ang pagsampa ng kaso sa loob ng isang taon, ito ay kabilang sa karagdagang bayad.

Saad ng Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno,

"Ito po ay abot-kayang hustisya. 'Pagkat sa pananaw namin, wala pong maliit na halaga na hindi dapat solusyunan ng hustisya. Sa small claims, pananatilihin natin na ang batas ay maging simple, mabilis, abot-kaya."
Larawan mula sa ABS-CBN
Ipinatupad ang small claims procedure noong 2010, ngunit, tinaasan lamang ang halaga na maaaring singilin noong Pebrero noong nakaraang taon. Ngayon ay Php200,000 na ito na kung dati ay Php100,000 lamang.

Umabot na din sa 13,000 small claims cases ang naayos noong 2016 kung saan ito ay may mas mataas na nasa 10,000 na kaso kumpara noong 2015, base sa Korte Suprema.

Ang Korte Suprema naman ay mayroon ding mga information campain sa iba't ibang social media platforms at kahit sa mga embassis at paliparan upang makinabang din dito ang mga Overseas Filipino Workers o (OFW).

Source: ABS-CBN