|
Larawang pinagsama mula sa mga account ng mga artistang ito |
Nakatatak na sa isipian ng mga Pilipino na ang mga tinatawag
na showbiz personalities ay marangya ang kani-kanilang mga lifestyle. Ang alam
nila ay nakahiga eto sa kaman’ng puno ng rosas, kumakain sa pinakamamahaling
kainan at hotels, o di kaya’y gamit neto ang pinakamahal na sasakyan. Lingid sa
kaalaman ng nakararami, hindi lahat ng mga sikat na artista ay namumuhay na
punong puno ng luho.
Karamihan sa kanila kung tutoosin ay halos napakasimple ng
pamumuhay lalong lalo na yung mga artistang nagsumikap para maabot ang kanilang
mga pangarap. Gayon pa man, hindi naman lahat ay pare-parehas. Kilalanin natin
sila.
Manny Pacquiao
|
Larawan mula kay Senator Manny Pacquiao |
Isa dito ay si Manny Pacquiao o kilala sa pagiging sikat na
boxer at ang tinatawag nating pambansang kamao. Bukod sa pagiging Senador neto,
mas pinili nyang maging simple ang pamumuhay. Alam naman nating lahat na
sobrang dami na ang pera ang Pinoy boxer pero ang nakakatuwa dito, hindi nya
eto inaabuso at hindi pa rin sya nakakalimot kung saan sya nagmula.
Solenn Heusaff
|
Larawan mula kay Solenn Heusaff |
Isa rin dito si Solenn Heusaff na isang aktres mula sa
kapuso na merong kontrata sa mga TV shows pati na rin ang pagpapahayag ng mga
larawan neto sa mga magazine bilang unang pambungad. Kapatid eto ni Erwan Heusaf
na isang Chief Cook na asawa naman ni Anne Curtiz. Sa tibay ng bonding ng
dalawang magkapatid, pinili neto na magkasama sila neto at ang nakakatuwa pa
neto, hindi sila makikitang kumakain sa mamahaling kainan.
Wally Bayola
|
Larawan mula kay Mr. Wally Bayola |
Tunghayan naman natin ang isa pang host ng kapuso TV show na
Eat Bulaga. Sya si Wally Bayola na sa kabila ng pagiging sikat neto, nagawa pa
netong magwalis sa kanyang nasasakupan imbes na magbayad para sa taga-linis.
Lovi Poe
|
Larawan mula kay Ms. Lovi Poe |
Sunod naman si Lovi Poe na anak ng isang alamat ng yumaong
aksyon star na si Fernando Poe Jr. Napabalita si Lovi na mahilig daw etong
mag-groceries kaya naman kahanga-hanga eto sa kadahilanang meron naman sya at
kaya nyang magbayad ng maid para gawin eto.
Ryan Agoncillo
|
Larawan mula kena Mr. and Mrs. Ryan and Judy Anne Agoncillo |
Kabilib-bilib din etong si Ryan Agoncillo na asawa ng isang
sikat na aktres na si Judy Anne Santos Agoncillo dahil umano sa pagiging
napakaresponsableng ama neto. Kahit na eto ay sobrang abala sa kanyang trabaho,
hindi eto nakakalimot sa kanyang pamilya. Bukod dito, eto ay hinahangaan din sa
kanyang pagiging isang mabuting ama.
Iya
Villania Arellano
|
Larawan mula kay Mrs. Iya Villania-Arellano |
Tunghayan naman natin ang asawa ni Drew Arellano na si Iya
Villania Arellano na isang TV host ng MYX Philippines. Napabalita etong hindi
nya hinahayaan ang kanyang mga anak sa piling ng yaya o kasambahay. Simula’t
sapol ng mag-kaanak ay eto na daw ang mismong tumututok sa pag aruga sa kanila.
Gardo Versoza
|
Larawan mula kay Mr. Gardo Versoza |
Isang dedicated actor naman ang mahilig tumulong sa ibang
tao lalong lalo na sa mga nangangailangan. Sya si Gardo Versoza na gumanap ng
sari-saring role sa mga pilukulang Pilipino. Napabalitang ang actor na eto ay
mahilig magluto at gusto nya eto ipakain sa ibang tao.