Photo courtesy of Twitter/@moniiinay |
Tila kinurot ang puso nang makita ang isang larawan ni ibinahagi ng isang netizen na in-upload nya sa Twitter, kung saan makikita kung paano tratuhin ng isang pamilya ang kanilang kasambahay.
Sa Twitter post ng netizen na si @moniiinay, binahagi nito ang larawan kung saan makikita ang isang matandang babae na umano'y kasamang pumasok ng isang pamilya sa Jollibee.
Kwento ng uploader, umupo ang kasambahay 'di kalayuan sa mesa ng pamilya na kasama nyang pumasok at isang baso ng softdrinks lamang ang inabot dito.
Sa isa pang article ng Definitely Filipino kung saan mababasa din ang viral tweet ng uploader, sinenyasan pa raw ng uploader na si @moniiinay ang kasambahay kung ayos lang ito at isang ngiti lamang ang isinagot nito sa kanya.
May ilang mga netizens naman na pilit na iniintindi ang pangyayaring nasaksihan. Sabi ng ibang naka-saksi baka naman mayroong pagkain para sa kasambahay at hindi lamang naabutan ng uploader.
Ngunit iginiit pa ni @moniiinay, naunang umalis ang pamilya at ang kasambahay kaysa sa kanya kaya naman nasaksihan niya ang buong pangyayari.
"Gurl, di nila isinama sa table nila iyong kasambahay nila tapos softdrink lang binigay sa kanya. Bakit ganyan?" ayon sa tweet ni @moniiinay.
Umabot naman sa higit 1,700 likes at halos 400 retweets ang nasabing post ni @moniinay sa Twitter.
Ayon pa sa post ng Definitely Filipino, maraming netizens ang nakasimpatiya sa kasambahay. Sabi ng isang netizen, kung ayaw daw nila kasama ang kasambahay, sana raw ay iniwan na lamang ito sa bahay.
"THIS IS HEARTBREAKING! A netizen captured this photo of a maid who was seated on a separate table from the family whom she works for, having only a glass of drink. The photo was captured in a fast-food chain in Tarlac on Monday, Oct. 14."