Judy Ann Santos nagbigay ng kaniyang reaksyon tungkol sa away ng Barretto sisters - The Daily Sentry


Judy Ann Santos nagbigay ng kaniyang reaksyon tungkol sa away ng Barretto sisters



Larawang pinagsama mula sa YouTube at Google
Kamakailan lamang ay hiningan ang aktres na si Judy Ann Santos sa kung ano ang kaniyang reaksyon at opinyon ng mga press tungkol sa kontrobersiyal na naging away na magkakapatid na sin Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.

Sa kaniyang panayam, sinabi niya na ang mga fans ay nararapat din na bigyan ng respeto at privacy ang pamilya Barretto at sana ay itago na lamang nila ang kanilang mga opinyon sa nangyari sa kanilang sarili.

Ayon sa ABS-CBN actress,

"My stand on it, it's a very private matter.
"It's family, it's personal.
"Whatever I, we, they say about the issue, nakakadagdag lang siya sa effect.
"Kumbaga, makakasira lang siya or makakalala lang siya lalo ng sitwasyon.
"I think it's something that, kung gusto natin sumuporta sa kanila, we have to let them be and keep quiet and keep our opinions to ourselves.
"Even if there is social media, there is a point wherein you have to draw the line as a follower.
"Iyong opinions mo, basher ka man o hindi, iisipin mo na lang, gusto mo bang may magsabi nun sa iyo pag nandiyan ka sa sitwasyon na iyan?"

Screenshot mula sa YouTube/Push
Ang actress, na kaibigan din ng pamilya Barretto, ay hinihiling na sana ay maayos na ang gulo at kung ano mang hindi pagkakaintindihan ng pamilya kapag oras na nabigyan na sila ng netizens ng space upang mag-isip, respeto, at privacy.

Dagdag ni Judy Ann,

"Ako, I pray at some point that, you know, we give them space.
"We give them the respect and privacy because it's a family problem.
"It's a family matter, and we really don't know naman kung ano talaga ang pinag-ugatan.
"So, I think it's unfair for all of them to be judged at this point and, ako, I am friends with them and I hope and pray…
"Lahat naman ng ganitong issues may ending naman. Ako, doon ako naniniwala.
"Maganda o hindi magandang issue, o relationship sa kapamilya or kaibigan, it has an ending at some point.
"That I wish for them—to be a family.
"Support ako sa pananahimik ng bawat isa.
"Support din ako sa respeto para sa kanila and let’s give them the privacy to settle things on their own."

Larawan mula sa ABS-CBN
Hanggang ngayon ay tila kontrobersiyal pa din ang nangyaring gulo sa magkakapatid na Barretto sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

Source: Youtube