Ito na pala ang Napakalaking Pagbabago sa Itsura ng Goin' Bulilit Child Star na si Timothy Chan - The Daily Sentry


Ito na pala ang Napakalaking Pagbabago sa Itsura ng Goin' Bulilit Child Star na si Timothy Chan



Larawang pinagsama mula sa Timothy Chan/Facebook
Karamihan sa atin siguro ay hindi na napapansin na ang mga bata noon ay nagdadalaga at nagbibinata na dahil na rin sa bilis ng panahon na dumadaan. Ngunit, habang sila ay dumadaan sa ganitong yugto, nais pa nilang alamin kung gaano pa kalawak ang buhay na dapat ay mayroong wastong gabay ng magulang o nakakatanda ng sila ay hindi maligaw sa landas na kanilang tatahakin.

Katulad na lamang ng dating Goin' Bulilit child star na si Timothy Chan. Isa sa mga cute at charming na child star noon si Timothy ngunit ngayon, ito na ay isang napakagwapong binata. Marami din sa ating mga netizens ang nagulat sa kaniyang naging transpormasyon.

Ang kaniyang mga larawan din ay naging viral dahil nga sa laki ng pagbabago niya. Napakalaki ng kaniyang pinagbago mula sa kaniyang pangangatawan hanggang sa kaniyang mukha na kung saan marami sa ating netizens ang humanga sa angking good-looks na mayroon ito.
Larawan mula sa Timothy Chan/Facebook
Si Timothy ay gumanap bilang Rico sa kaniyang pinakaunang serye na "May Bukas Pa" na kung saan ang kaniyang papel dito ay naging kaaway niya ang bida na si Santino na ginanapan naman ni Zaijan Jaranilla at naging magkaibigan pa rin sila sa huli.
Larawan mula sa Timothy Chan/Facebook
Larawan mula sa Timothy Chan/Facebook
Isang patunay na napakagwapo na ng batang ito ay ang mga litrato na kaniyang in-upload sa kaniyang Instagram account.

Isa lamang ding patunay si Timothy Chan na lahat tayo ay nagbabago, ang ating itsura at pananaw sa buhay ay nagbabago sa paglipas ng panahon.
Larawan mula sa Timothy Chan/Facebook
Nakakamangha ding isipin na ang mga artista na dati nating iniidolo na mas pinili na umalis sa showbiz industry at iba ang daan na tahakin ay gugulatin tayo sa pagbabago na kanilang napagdaanan, sa pisikal man o sa panibagong buhay.
Larawan mula sa Timothy Chan/Facebook
Larawan mula sa Timothy Chan/Facebook
Kaya nararapat lamang din na gawin natin silang inspirasyon at matuto din tayong mahalin ang ating sarili, sa kung ano o sino tayo, at huwag sanayin ang ating sarili na ikumpara ang mga katangian o pisikan na anyo natin sa iba.

Source: Recovery Crate