|
Larawang pinagsama mula sa Facebook/Clariz Jane Lasala |
Ang ating mga guro sa paaralan ang kinukunsidera nating pangalawang magulang. Ano pa nga ba’t kadalasan ay sinasakripisyo nila ang kani-kanilang sariling sahod para sa ikakaganda ng ating mga silid aralan. Sa makatuwid, ninanais nila na mapaganda ang ating kinabukasan kahit na ano pa man ang sitwasyon n gating kinlalagyan.
Nakakabilib lang talaga na sa kabila ng lahat na paghihirap sa buhay ay naiisipan pa nila’ng tumolong. Gaya na lamang eto ng iang guro na napakalak ang naging kunsederasyon sa kanyang estudyante.
Dito sa Pilipinas, talamak ang bilang ng mga batang nagiging ina. Hindi eto uso pero sa palagay ng iba, bunga eto ng pagpapabaya ng mgamagulang, o kung hindi man, ay impluwensya ng paligid nila. Halos umabot sa 200,000 ang bilang ng mga nabubuntis na kabataan sa loob ng isang taon dito sa Pilipinas.
|
Larawan mula sa Facebook/Clariz Jane Lasala |
May mga batang’ ina naman din na sa kabila ng nangyari sa kanila ay patuloy pa rin etong pumapasok sa eskwela gayong hindi eto dapat gawin dahil maari etong simulan ng pagkagambala sa anomang aktibidades ng paaralan.
|
Larawan mula sa Facebook/Clariz Jane Lasala |
Kahanga-hanga naman ang isang guro na nagmula sa Butuan City nang eto ay magdesisyong dalhin ng kanyang mag-aaral ang anak neto. Si teacher Clariz Jane Lasala ay nag boluntaryo na dalhin ng estudyante nya ang kanyang anak sa paaralan at nagsabing siya muna ang magbabantay ng sanggol habang ang magulang ay kumukuha ng quiz.
Ayon sa pahayag ni Clariz, hindi dapat ibahin ang trato sa mga ganitong estudyante, bagkos ay dapat etong suportahan sa kadahilanang eto ay nagsisikap sa kabila ng sitwasyon sa buhay. Sa makatuwid, hinangaan eto ni Clariz dahil sa lakas ng loob netong mag-aral sa kanilang lugar na kung saan maraming mata na mapanghusga.
|
Larawan mula sa Facebook/Clariz Jane Lasala |
Sa aksyong ginawa ni Clariz, marami ang napahanga at hindi naiwasang magbigay ng mabuting kumento tulad nang pagiging mabuting guro nya na nakaintindi sa isang estudyanteng batang ina; baling araw, magiging mabuting ina rin si Clariz.
|
Larawan mula sa Facebook/Clariz Jane Lasala |
Bukod pa rito, may mga humihiling din na sana tularan sya ng lahat ng guro sa bansa dahil sa makatuwid, hindi naman talaga tama na manghusga ng kapwa dahil tao lang naman tayo na nagkakamali. Imbis na hindi magandang kritisismo, dapat ay suporta.
Source:
Facebook/Clariz Jane Lasala