|
Larawang pinagsama mula sa Facebook account ni Timz Burkz |
Uso sa mga magulang ang tinatawag na multi-tasking. Kadalasan, habang nagbabantay ng bata ay may iba pa itong ginagawa tulad ng paglalaba, pag luluto, at kadalasan ay namamalantsa. Sa pamamaraang eto, makakapid sa oras o matatapos neto ang dalawang gawain sa loob lamang ng ilang saglit. Ngunit paano na lang kung hindi gawaing bahay ang usapin? Paano at ano ang iyong gagawin pag naipit ka sa isang matinding trapik habang ikaw ay nagmamadaling umuwi para ayosin ang iyong mga pinamili?
Tunghayan natin ang isang larawan na naipalabas sa social media ng isang ina na kung saan tila yata epektibo ang naging payo ni Spokesperson Pañelo sa mga commuters na maging creative sila. Makikita sa nai-post na larawan ng isa sa mga netizens na nagngangalang Timz Burkz ang isang ina na may dalang gulay sa kanilang lugar sa Tejero Cavite.
|
Larawan mula sa Facebook account ni Timz Burkz |
Ayon sa larawan, ng dahil sa sobrang trapik, nagawa raw ng isang matandang babae ang paghimay ng dala-dala nyang malungay habang eto ay naghihintay umusad ang sasakyan. Kung ating iisipin, eto nga talaga ay napakalaking tulong sa pagtipid ng oras. Mantakin nyo, pag-dating neto sa kanyang bahay,ay ano pa nga ba’t huhugasan na lang eto at lulutoin.
“Tama nga naman, pagdating sa bahay, isasalang na lang,” – eto ang pabirong sinabi ng isang netizen na humanga sa pamamaraan ng matanda. Samantalang si Burkz naman ay humanga ng todo sa babae - “Sa sobrang trapik sa Tejero, nakapaghimay na si mother ng malunggay. Salute!” – wika naman ni Burkz.
Ang viral post na eto ay umabot na sa higit 9,300 na reaksyon, at 700 naman ang mga komento. Samantala, ibinahagi eto ng mga netizens na halos umabot na ng 7,800.
|
Larawan mula sa Facebook account ni Timz Burkz |
Sari-saring komento ang naitala sa post na eto habang ang mga humanga naman ay nagsabing eto ang isa sa mga patunay na ang oras ay ginto.
|
Screenshot mula sa Facebook account ni Timz Burkz |
Samantala, nakigaya na rin ang ibang netizens at gumawa ng kani-kanilang bersyon ng “nanay malungay” moves, na habang bumabyahe sa jeep, inaasikaso nan g mga eto ang kanilang buhok, mukha, pati na rin ang mga assignments. Talagang kakaiba ang dulot ng viral na si “nanay malungay”.
Source:
Facebook