Isang Huwarang Ama, Hindi naging Hadlang ang Kapansanan - The Daily Sentry


Isang Huwarang Ama, Hindi naging Hadlang ang Kapansanan



Larawang pinagsama mula sa Front Row
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging masipag at matiyaga lalong lalo na kung ang pinag-uusapan ay para sa kapakanan ng ating pamilya. Tulad na lang ng isang pinoy na nagngangalang Ryan Arebuado, na naging viral ang buhay dahil sa pinakita nyang sakripisyo sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanyang anak habang sya ay nakaupo at nanunuod lamang.

Samantala, isa na namang sakripisyo ng isang ama ang ating masasaksihan sa social media na gagawin ang lahat para mapabuti ang anak. Isang ama na tawagin natin sa pangalan na Tatay Alejandro ang nagpakita ng pagkakaroon ng determinasyon sa kabila ng taglay na kapansanan.

Si tatay Alejandro ay may isang pitong taong gulang na anak at nakilala sya sa paghahatid neto sa kanyang paaralan. Para sa kaalaman ng nakararami, ang anak ni tatay Alejandro ay kasalukuyang nag aaral sa Pasig Elementary School bilang isang Grade 2 student.
Larawan mula sa Front Row
Ang nakakaantig na bahagi sa ginagawa ni tatay Alejandro ay ang paghatid sa kanyang anak sa paaralan sa kabila ng kapansanan neto. Sa pamamagitan ng pagkarga ni tatay Alejandro sa kanyang anak gamit ang wheelchair, naihahatid nya eto ng ligtas. Bangitin na natin na ginagawa nya eto umaraw man o umulan sa kabila ng mabigat na timbang ng bata. Halos araw araw, dumadaan sila sa maabala at maingay na kalsada para lamang sa edukasyon ng anak nya.
Larawan mula sa Front Row
Tungahayan naman natin kung bakit naka wheelchair si tatay Alejandro. Noong bata pa sya, o limang taong gulang pa lamang, si tatay Alejandro ay tinamaan na ng sakit na Polio. Pero hindi eto naging hadlang sa kanyang buhay. Sa makatuwid, naging maswerte pa rin sya dahil nakapag asawa eto at nagkaroon pa ng anak. Tulad ng ibang responsableng ama, si tatay Alejandro ay hindi pinansin ang kapansanan para hadlangan ang tungkulin sa anak.

Dahil sa nai-post ang larawan ni tatay Alejandro na karga ang anak gamit ang wheelchair, kumalat eto sa social media at naging kahanga-hanga ang kanyang kasipagan. At katulad din ng kanyang anak, mkakaseguro tayo na gagawin nya din eto pag nagkaroon nan g sariling pamilya.

Source: Elite Readers