Isang Anak Ng Empanada Vendor at Welder, Naging 10th Place Sa Nursing Board Exam - The Daily Sentry


Isang Anak Ng Empanada Vendor at Welder, Naging 10th Place Sa Nursing Board Exam



Larawan mula sa GMA/Youtube

Isang napakasayang pakiramdam para sa mga magulang ang makita ang kanilang mga anak na magtatapos sa kolehiyo ngunit mas masaya mismo kung sila ay makakapasa rin sa board exam at idekalrang isang full-fledged professional. 

Larawan mula sa GMA/Youtube

Ano kaya sa tingin niyo kung ang inyong mga anak ay hindi lamang nakapasa sa board exam, bagkus nakapasok pa sa top 10?


Ganito ang nangyari sa isang anak ng Empanada vendor at welder na kamakailan lamang ay nakapasa sa Nursing Board Exam at naging 10th placer pa sa rank. Ang nasabing board passer at 10th placer ay nakilalang si Shannara Mica Guta Tamayao, isang nursing graduate na galing Laoag City, Ilocos Norte.

Larawan mula sa GMA/Youtube

Maraming Filipino ang na-inspire sa batang babaeng ito, dahil pinatunayan niya na ang kahirapan ay hindi hadlang para makamit mo ang mga pangarap mo sa iyong buhay.

Larawan mula sa GMA/Youtube

Nararapat din na masungkit ni Shannara ang 10th placer dahil simula elementary hanggang high school lagi itong honor student. Matapos ang kanyang pagsisikap at sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang, nagtapos iya ng isang nursing degree sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte.

Larawan mula sa GMA/Youtube

Halos lahat ng kanilang paghihirap ay nabayaran matapos niyang maipasa ang national board exam at nasungkit ang pagiging top notcher na may score na 84.60%.


Bilang isang panganay sa magkakapatid, inaasahang siya ay makakatulong sa kanyang pamilya na maiahon sila sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga magulat at mga kapatid. Layon niyang ipasa ang National Council Licensure Examination (NCLEX) at pagkatapos ay kumuha ng Master's Degree bago mag-apply para sa trabaho.

Larawan mula sa GMA/Youtube

Ang kanyang inspiring story ay tumatak sa puso at atensyon ng iba't ibang mga netizens at pagiging isang inspirasyon, pampatibay-loob sa ilang mga Pilipino partikular na sa mga kabataan. Dahil ito sa kanyang totoong determinasyon at sakripisyo kaya niya ito nakamit.

Sa pagkakaroon ng buong suporta, pagmamahal at commitment ng mga taong nakapaligid sa iyo kasabay ng iyong kasipagan at pananalig sa Diyos, siguradong makakamit mo ang iyong mga pangarap at maging matagumpay para sa iyong pamilya at sa iyong sarili.

Source: Youtube