Litrato mula sa Facebook account ni Pamela Rollo |
Hindi lamang ang pagka-paralysis ng facial muscles ang maaaring maranasan ng may Bell’s Palsy kundi maaa-ring makadama siya ng sakit sa likod ng taynga, kawalan ng panglasa sa pagkain at maaari rin na hindi makarinig. Iglap ang pagkaparalisa ng facial muscles kaya hindi mapigilan ang pagkurap, pagkisap at ang paggalaw ng eyelids. Mayroong hindi makontrol ang pagngiti at ang pagsara ng bibig.
Kundisyon ng isang may Bell's Palsy |
Gaya ng isang babae na nagbahagi ng kanyang karanasan tungkol sa kundisyong ito. Ayon kay Pamela Rollo, nagsimula ito sa pagbaba ng kanyang dugo at potassium sa katawan at hindi natural na pagluluha ng mata.
|
Ayon sa kanyang Facebook post, isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon sya ng ganitong kondisyon ay dahil sa pagtulog ng basa ang buhok. Suspetsa pa ni Pamela, nakadagdag ang stress, pagkain palagi sa fastfood chain, milk tea, puyat at nakatutok na electric fan o aircon habang natutulog.
|
Sa ngayon ay sumasailalim sa therapy si Pamela at nagtatake ng Vitamin B para gumaling ang kanyang kundisyon.
"Now I am currently taking corticosteroid drugs to reduce inflammation. Going to hospital everyday for physical therapy. Taking vitamin B for maintaning good health and well-being. Eye drops to prevent infections. Praying for my fast recovery," pagtatapos ni Pamela.
Sa ngayon ay deleted na ang Facebook post ni Pamela Rollo sa hindi alam na dahilan.
PAALALA: Ang mga nabanggit na dahilan ni Pamela ay base lamang sa kanyang karanasan at wala itong matibay na patunay syentipiko. Maigi po na kumunsulta sa mga eksperto kung may nararamdamang mga sintomas para maagapan ang ganitong kundisyon.
Source: Pamela Rollo / Facebook