Huwag mag-iwan ng bottled water sa sasakyan dahil ito ang delikadong pwedeng mangyari - The Daily Sentry


Huwag mag-iwan ng bottled water sa sasakyan dahil ito ang delikadong pwedeng mangyari




Ang mga bottled water ay sigurado na isa sa mga pangangailangan na ating binibili, partikular na kung tayo ay uhaw na uhaw. Nakakarefresh ng katawan lalo na kung ito ay  malamig.

Ang bottled water ay isa sa mga bagay na hindi natin pwedeng kalimutan tuwing tayo ay bumabyahe. Sapagkat nakakauhaw lalo na kung traffic.

Ngunit alam niyo ba na kapag naiwan natin o nakalimutan natin ang ating bottled water sa ating sasakyan, lalo na kung ito ay nakatapat pa sa araw, ay maaari nitong dalhin sa peligro ang ating mga sasakyan. Worst, pwedeng mapahamak ang ating buhay.


Bukod sa hindi safe na inumin ang tubig na matagal nang naiwan sa sasakyan ay maaaring maging sanhi ng sunog. Maaring mangyari ito kung ito ay maiiwan sa loob ng sasakyan at tirik na tirik pa ang araw kung saan ito nakatapat. Kagaya na lamang nang nangyaring insidente sa lalaking ito.

Ayon sa kwento ni Dioni Amuchastegui, isang battery technician sa Idaho Power sa Amerika, napansin nyang umuusok sa loob ng kanyang sasakyan.

"I was taking an early lunch, sitting in the truck, I happened to notice some smoke out of the corner of my eye. At first I thought it was dust, but the window was rolled up so there was no wind."

"I looked over and realized light was being refracted from a water bottle and was starting to catch the seat on fire."

Ayon sa kwento ni Amuchastegui, ang tubig sa loob ng bote ay nagsisilbing magnifying lens na nagcoconcentrate sa enerhiya ng araw sa isang punto.

"A round plastic bottle filled with clear water can act as a lens that concentrates the sun's energy on one point."

Litrato mula sa CBS News

 Para ikumpirma ang insidente, ang mga fire department naman sa Oklahoma ay nagsagawa ng kanilang pag-aaral at nadiskubre nga nila na ang water bottle ay ang posibleng sanhi ng pagsisimula ng sunog.

Ayon kay David Richardson ng Midwest City Fire Department sa Oklahoma,


"The air temperature doesn't matter. It works just like a magnifying glass, like one that you would use to burn leaves as a kid. It's the same principle."

Paalala: Dapat nating tandaan na huwag nating hayaan ang mga water bottle na magtagal sa loob ng sasakyan lalo na kung nasisikatan ng araw.

Kung nasisinagan ng sikat na araw ang tubig na nakapaloob sa plastic na bote, ito ay maaaring magkaroon ng chemical reaction katulad na lamang sa ating napapansin na tuwing nasisinagan ng araw ang isang magnifying glass ito ay umiinit hanggang sa ito na ay umapoy.

Source/s: Today, CBS News