Makalipas ang halos dalawang linggo, muling binulabog ng malakas na lindol ang mga lugar sa Mindanao sa magnitude 6.6 earthquake, bandang alas-9:07, Martes ng umaga.
“Yung damages before pwedeng mag deteriorate kung walang intervention na nagawa kaagad,” sabi ni Erlington Olabere, Phivolcs Science Research Specialist 2.
Ang nasabing lindol ay mas malakas kumpara sa naitala nung October 16 ngayong taon din.
"Mas malakas ito kumpara sa nakaraang lindol," sabi ni Tulunan Mayor Reuel Limbungan, tinutukoy ang Magnitude 6.3 na lindol noong October 16 na sumira sa mga Barangay halls, health centers at senior citizen halls.
Madami ang sugatan sa lindol kaninang umaga. Isa na dito ang isang guro sa Rodero Day Care Center sa Rodero, Makilala, North Cotabato.
Ang biktima ay si Erlinda Ajero. Ayon sa kwento ng kanyang anak, sa sobrang lakas daw ng lindol ay niyakap nya ang kanyang mga estudyante para maprotektahan.
Litrato mula kay Marky Mark Ajero |
Humihingi ngayon ng panalangin si Marky para sa agarang paggaling ng kanyang ina.
"Pray for her recovery and sa mga day care pupil na na injured din. Thank you po. Prayers do help."
Sa ngayon ay suspindido ang klase sa public at pribadong mhga eskwelahan ayon kay Mayor Limbungan.
"Walang pasok sa school at munisipyo, kahit pribado wala muna. Mga ospital we will check and get the patients out, nag iikot kami."
Ang lindol ay naramdaman din sa iba pang panig ng Mindanao gaya sa Davao.
Narito ang ilang mga litrato sa nangyaring lindol:
Source: Marky Mark Ajero / Facebook