Gretchen slams Ruffa Gutierrez over comment on Julia's IG post; Annabelle Rama reacts - The Daily Sentry


Gretchen slams Ruffa Gutierrez over comment on Julia's IG post; Annabelle Rama reacts



Hindi nakaligtas sa paningin ni Gretchen Barretto ang komento ng aktres at beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa Instagram post ni Julia Barretto.
Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez and Annabella Rama / Composite photos from ABS-CBN and PEP

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Gretchen ang screenshot ng larawan ni Julia na mayroong caption na, “Goodmorning selfies.”

Isa sa mga nagkomento sa post ni Julia ay si Ruffa.

Mensahe ni Ruffa: "Freshhhhhh (starstruck emojis)"

Dahil rito ay binanatan ni Gretchen si Ruffa na nakikisawsaw umano at tila kampi ito sa nakababatang Barretto.

Mensahe ni Gretchen: “sawsaw pa more “Ruffy!! take it take it “WOW!!”

Hindi naman nagpatalo si Ruffa at gumanti ito ng cryptic message sa kanyang Instagram account, kalakip ang kanyang glamorosang larawan.

Mensahe niya: “The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF. 🌟✨ #HappyLife #HappyGirl #PositiveVibes

Nakatanggap naman ng suporta si Ruffa sa kanyang mga kaibigan at followers.




Pinayuhan naman si Ruffa ng kanyang ina na si Annabelle Rama na huwag nang pumatol dahil nagsasayang lamang daw siya ng kanyang “precious time.”

“Tama, huwag mo na patulan ‘yan. Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!”

Sagot ni Ruffa sa ina, “@annabelleramaig is this really you mother dear? I love you too awwww? THANK YOU. #family"


***
Source: PEP