Foreigner, naging pulubi matapos daw iwan ng mga natulungan nyang Pinoy na kaibigan - The Daily Sentry


Foreigner, naging pulubi matapos daw iwan ng mga natulungan nyang Pinoy na kaibigan



Litrato mula kay Bilogzkie Borromeo
Kahit ito ay nakakahiya mang aminin, ngunit mayroon talagang ibang mga Filipino, partikular na ang ibang mga Pinay, ang naghahanap ng mga foreigners para na din sila ay makaahon sa hirap at yumaman.

Dahil na rin ang Pilipinas ay kabilang sa third-world country, ang paninirahan dito ay mura lamang, at ang mga tao ding nakatira dito ay maaalalahanin, kaya naman normal na rin para sa ibang mga foreigners na magdesisyon na dito manirahan at maghanap na rin sa Pilipinas ng kanilang maaaring mapangasawa.


Habang ang ibang foreigner ay maswerte na nakakakita ng kanilang 'true love' at totoong kaibigan na mga Filipino, at sila din ay nanirahan na ng tuluyan sa Pilipinas, ang iba naman ay hindi. Katulad na lamang ng nangyari sa isang foreigner na ito.

Isang netizen na nagngangalang Bilogzkie A. Borromeo ang kumuha ng larawan nilang dalawa ng isang pulubing foreigner. Ang naturang litrato ay nag-viral sa social media.

Ang nasabing post ay naging trending at ito ay mayroon ng 14,000 reactions, 7,000 comments, at 40,000 shares.

Pagbabahagi ni Borromeo, nakita niya raw ang foreigner sa labas ng kaniyang pinagtatrabahuhan, at tila ito ay gutom na gutom na kung kaya naman binigyan niya ito ng pagkain.


"Paglabas ko ng work my nakita akong amerikano nagugutom sya at binigyan ko ng makakain.."

Sinabi din ni Borromeo na ang nasabing foreigner ay nagngangalang Michael at ito ay isang Amerikano. Ngunit, hindi na nakumpirma ni Michale ang kaniyang apelyido. Sinabi nito sa kaniya na siya ay naiwang mag-isa at sinaktan ng mga taong kaniyang tinulungan noon.

"his name is michael pero di nya alam surname nya.. ung mga taong natulungan nya daw dati iniwan lng sya.. ung mga nabigyan nya ng mga pera ngyn di man lng sya matulungan sana my makatulong sa kanya kawawa naman.."

Marami sa mga netizens ang nagbigay ng simpatya sa kasalukuyang estado ngayon ng foreigner.

Hinimok ni Borromero na ikalat pa ang post nya para makita ito ng mga kamag-anak nya. "Share bka my mga kamag anak sya dto pra matulungan.. tnx," pagtatapos niya.

Source: Bilogzkie Borromeo / Facebook