Duterte winarningan ang lalaking ipinakilala ni Kitty - The Daily Sentry


Duterte winarningan ang lalaking ipinakilala ni Kitty



Kitang-kita ang malaking concern sa pagiging tatay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga anak niyang babae nang magkwento ito tungkol kina Davao City Mayor Inday Sara at Veronica aka Kitty, ang 14 year-old.
 Honeylet Avanceña, Veronica and President Rodrigo Duterte / Photo from Newsfeed

Sa isang event, ibinahagi ni Duterte sa mga bisita ang pagpapakilala sa kanya ni Kitty sa kaibigan nitong lalaki.

“Ang Veronica ko, nagdala ng lalaki, gusto daw ako makilala. Sabi ko, walang problema. Sabi ko, 'Ano ka ba? High school pa, parang mag-graduate na, going to college. Tapos, nung usap, sabi ko, 'Yang anak ko, kaisa-isa ‘yan sa aking asawa na si Honeylet,'" pagtukoy ng Pangulo sa kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña.

"'Mahal namin ‘yan, ngayon gusto mo akong makilala, at least, madali kitang hanapin. Sabi ko sa kanya, 'My daughter is very young and we love her very much.'

"You know, para sa aming mga tatay... I will not talk about the mother because I don’t know what they are feeling of being a woman sa anak niya, pero ako mahal ko ‘yan.
Veronica "Kitty" Duterte / Photo from SUNSTAR

"Sabi ko, 'Just be patient, bata pa ‘yan.'

"Sabi ko, 'No physical. Basta huwag mong hawakan maski kamay, okay? She’s only fourteen. How old are you? Sabi niya, ‘Seventeen. Sabi ko, 'Huwag mong hawakan ang kamay. Huwag mong halikan ‘yan, hindi pa puwede at hindi sawsawan ‘yan. Huwag na huwag mong gawin.'

"Tinitingnan ko, 'Kapag ginawa mo ‘yan… I hope that you remember that for all time.'"

Ikinatawa ng mga bisita na nakikinig sa kanya ang kuwento ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, dapat pahalagahan ng mga kababaihan ang kanilang virginity dahil ito ang pinakamahalagang maibibigay nila sa kanilang magiging asawa.

"Alam ko hindi na uso ‘yan. Everybody is into it at an early age. Pero ako, I’m one of the remaining sa old school. But you know, every one generation, may culture talaga. They have a different culture. With the advent of this, itong electronics, kaya na nilang alamin ang lahat."

"If they want to see pornography, kaya nila. Yung mga tawag nila na Rated R, kaya nilang pumasok. The only way we can... is constant advice, words of love."

"Hindi madala ang bata kung sigaw-sigawan mo, magrebelde, at saka lumalaban talaga."

Sabi pa ni Duterte, "Itong si Sara ko rin, hindi ko pinalo ‘yan, pero paglaki, iba na.”
Davao City Mayor Sara Duterte and President Rodrigo Duterte / Photo from ABS-CBN

"When she was in high school, nag-aral ‘yan ng shooting, kasama ako. One day, lumabas siya, may holster na, may dalang .45. Sabi ko, 'Saan ka punta?' Sabi niya, 'Mamasyal.' Naka-45?”

"Ano ba itong si Sara, tomboy ‘to? 'Tapos, naka-motor...Yan ang mga ano sa buhay niyo na hindi mapigilan lalo na kung nakikita nila."

"Kapag nakita ng mga anak mo na may tattoo ka, nung nagpa-tattoo lahat sila, hindi ko mapigilan. Yan ang learning process ng buhay, so it’s kind of hard to raise up a son or daughter nowadays.”

"Sabi ko nga, the world is so open to them and they have access to everything. Would you believe it—I hope you’d believe it, it’s true—I have not talked to Inday outside of yung birthday ng nanay or ni yaya, she does not talk to me.”
Sebastian "Baste" Duterte and Davao City Mayor Sara Duterte / Photo from Philippine Star

"She does not consult me at yung siya yung nagpa-plaster ngayon kung sino ang tatakbo dito, siya yung mayor, yung kapatid congressman.”

"'Tapos, yung bunso namin, sabi niya, ‘Ikaw ang vice mayor.'

"'Tapos sasabihin ni Sebastian, 'Te, ayoko man ‘yan, ayoko te.'

"'Sinabi nang ikaw yung vice mayor na, e.'

"'Sige na lang, ‘te, sorry ‘te.'"


***
Source: PEP