Kamakailan, isang doktor ang na paulat na naka kulong dahil sa mga isinampang mga kaso ng isang mayor sa Basilan.
Ayon sa balita ng KAMI, sumuko ang isang doktor na kinilalang si Dr. Chao Tiao Yumol na mula sa Lamitan City, Basilan, dahil sa mga larawang ipinakita nito sa Facebook.
Ang mga nasabing larawan ay naglalantad di umano ng mga katiwalian ng mag-asawa sina Lamitan mayor Rose Furigay at Vice Mayor Roderick Furigay.
Ang mga paratang laban sa mayor
Ang mga paratang laban sa mayor
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10175, or the Cybercrime Prevention Act of 2012, ang nasabing doktor.
Sa salaysay ng doktor, sangkot umano sa ilegal na droga at korapsyon ang mag-asawa. Aniya,
“Mayroon akong evidences. I have witnesses and mayroon din akong hawak na PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency] report that vice mayor Furigay is listed in the level 3 high-value target of PDEA,” sabi ni Yumol.
"Sa corruption issues... nagpatayo ng 2-storey hospital worth P30 million. Tatlong beses pinondohan pero hindi gumagana. Walang mga pasyente ang nakakagamit," dagdag pa ng doktor.
Mariing pagtanggi sa mga bintang
Mariin naman itong pinasinungalingan ng kampo ng mga Furigay ang mga paratang ni Dr. Yumol.
Wala rin daw umanong katotohanan na nasa watch list ang mag-asawang Furugay.
Nagsimula umano ang pag-atake ng doktor laban sa mga Furigay ng magkaroon ng cease and desist order ang klinika ng doktor sa Lamitan City.
Dagdag pa ni Atty. Quirino Esguerra, abogado ng mag-asawang Furigay, "Lahat ng 'yan lies... hindi rin totoo na kasama sila sa drug watch list,"
Sa kabila nito, nagviral din sa social media ang post ng BARMM WATCH tungkol sa mga kawang-gawa ni Dr. Yumol sa Lamitan.
Handang magkawang-gawa para sa mga mahihirap
Handa daw umanong magbigay ng serbisyo ang doktor lalo na sa mga mahihirap ng walang pambili ng gamot.
“Ito po ung doctor na may malaking malasakit at tumulong s mga kbabayan nya at ngbbgay ng libreng serbisyo sa mga mhihirap na alam nyang wlng pmbili ng mga gamot s bayan ng Lamitan,” ayon sa Facebook post ng BARMM WATCH.
“Ngaung nsa kulungan xa cno pa ang tutulong s mga taong wlng pmbili ng gmot,xa lng madaling lapitan ng wlng mrinig na msskit n slita at mdaling lapitan khit wlng kplit mtulungan lng kbbyan nya,” dagdag pa nito.
Mga netizens nanggigil
Humuhingi naman ng hustisya para sa doktor ang mga netizens dahil sa nangyari sa doktor. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:
“May Diyos Ama na nakakakita ng kanyang mga ginawa, meron siyang pagpapala sa mga darating na araw.”
“Bakit ganon masama na ba ang tumolong. Nakukulong naba. Ngaun ang tumulong. Hay buhay bakit nga ba ganyan. Sr. Raffy tulong po. .”
“yan masaklap kung cno ang malaki ang puso tumulong sa mahihirap yan ang pagtuonan ng pansin para makulong.samantala marami mga maitim ang budhi cla ang malaya saan ang hustisya .”
“Ano n ba nang yayari sa earth imbis maganda layunin nya bat nging ganun” “Imbis tumulong sa mahirap kinasuhan pa. Asan ba ang hustiya?”