DH, kulong matapos nakawin ang Chanel bag ng amo at gamitin ito sa kanyang day off - The Daily Sentry


DH, kulong matapos nakawin ang Chanel bag ng amo at gamitin ito sa kanyang day off



Photo for illustration purposes only
Isang foreign domestic worker sa Singapore ay sinentensyahan ng anim na buwan matapos makumpirma na siya ang kumuha ng Chanel bag ng kaniyang amo para lamang ito ay gamitin sa kaniyang day off.

Si Onia, 28 taong gulang ay nakasuhan sa kaso ng pagnanakaw ng kaniyang amo at mayroon pang dalawang kaso na inihahanda pa.

Napag-alaman ng korte na si Onita ay nagtatrabaho sa kaniyang amo na 40 taong gulang na, ang lokasyon ng bahay na ay hindi na ibinahagi para sa seguridad ng involved na tao.


Nitong Pebrero ngayong taon, habang naglilinis si Onita sa kwarto ng kaniyang amo, nakita niya ang isang pink Chanel bag na nagkakahalaga ng nasa $6,000 na nakalagay sa isang istante ng kaniyang amo, kasama na din ang iba pang mamahalin na mga bags nito.

Photo for illustration purposes only
Matapos makita ang mga ito, napagdesisyunan ni Onita na kuhanin ang pink Chanel bag at dinala niya ito sa kaniyang kwarto. Ayon sa State Prosecuting Officer na si Mohd Nasri Haron, ginagamit umano ni Onita ang bag tuwing darating ang kaniyang day off.

Ilang buwan naman ang nakalipas, naglinis muli si Onita ng kwarto ng kaniyang amo at nakakita niya ang isang black Chanel bag naman na nagkakahalaga ng nasa $8,500 na kung saan ito ay nakalagay sa dust cover ng walk-in closet ng amo.

Photo for illustration purposes only
Matapos nito, ay kinuha niya ang black bag at ipinalit dito ang pink bag na kaniya ding nakuha mula sa walk-in close ng kaniyang amo.

Noong August 16, napagtanto ng amo ni Onita na ang kaniyang bagong Chanel bag ay nawawala. Napagdesisyunan niya na tignan ang dust cover sa kaniyang walk-in close dahil ito ay doon lang naman niya inilagay, ngunit ang kaniya lamang nakita doon ay ang kaniyang pink Chanel bag. Ang babae ay hinanap ng hinanap ang black bag kasama na rin si Onita ngunit hindi niya talaga ito makita.


Saad ng prosecutor,

"In her desperation, the victim said that she would report the matter to the police."

Dahil nataranta at natakot si Onita, kinuha niya ang black bag sa kaniyang kwarto at ibinalik sa kawrto ng kanyang amo.

Isang araw, habang nagiiscroll ang amo ni Onita sa Facebook page nito noong August 24 ay nakita niya isang pink bag ang nakasukbit sa balikat ni Onita at ang larawan ay kinuha noong Feb. 18, 2019.

Nakilala naman niya kaagad ang bag at ang disenyo nito kung kaya naman nagmadali siyang tumawag sa mga pulis para ipaaresto ang kasambahay.

Bukod pa dito, ay kumuha pa ng nasa $800 at $1,000 si Onita sa Louis Vuitton wallet ng kaniyang amo ng hindi nito nalalaman.

Ang prosecutor naman ay sinabi na siya ay makukulong ng nasa anim hanggang walong buwan, ngunit sinabi ng kasambahay na ibinalik naman niya ang pink bag nito matapos gamitin ng ilang araw.


Saad ng prosecutor,

"We do not condone her actions, but this still must be distinguished from other offenders who do not return the items."

Sinabi naman ng judge na kahit ang kaniyang pahayag ay totoo, ang ginawa niya pa din na paglagay ng pink bag sa dust cover sa walk-in close ng kaniyang amo ay isa pa ding malaking katanungan at ito ay maaaring mapigilin kung napagtanto ng amo na ito ay nawawala.

Aniya,

"The offence of theft had taken place the minute she removed the pink bag and black bag."

Sinabi naman ni Onita sa korte sa pamamagitan ng isang interpreter na siya ay humihingi ng paumanhin at nagmamakaawa din sa kaniyang ginawa.

Ang judge naman ay napagdesisyunan na agahan ang pagkakakulong kay Onita at dapat din nitong ibalik ang mga kagamitan na kaniyang nakuha sa kaniyang amo.

Maaaring makulong si Onita ng higit sa pitong taon at magbigay din ng multa sa kaniyang kaso.