College student sa Davao del Sur matagumpay na nakapagtanim ng mansanas - The Daily Sentry


College student sa Davao del Sur matagumpay na nakapagtanim ng mansanas



Benzone Sepe at ang kanyang tanim na mansanas
Ang apple ay masustansya sapagkat nagtataglay ito ng antioxidants at phytonutrients na tumutulong para maging malusog ang ating katawan.

Ang puno ng apple ay mahirap palaguin o kaya hindi pwedeng itanim sa ating bansa sapagkat mainit ang ating klima, Kadalasan, ang mga apple na nabibili sa mga grocery ay imported mula sa ibang bansa.

Pero nakamamangha na isang third-year Agriculture na estudyante sa Digos City, Davao Del Sur ang nakapagtanim at nakapagpabunga ng apple sa Pilipinas.

Kwento ni Benzone Sepe, habang kumakain sya ng apple noong 2014 ay naisipan nyang ipunla ang tatlong buto ng apple sa kanilang bakuran sa Barangay Kapatagan, Digos.


Matapos ang ilang buwan, tumubo ang mga ito pero hindi nagtagal yung dalawang tanim habang ang isa ay patuloy na lumago pero hindi namunga.

Dahil sa kagustuhan ni Benzone na mamunga ang tanim nyang apple, nagresearch sya tungkol sa pagpapalago ng puno ng apple.

"I pruned the plant but it did not end there. I found out a proper way in the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure," sabi niya.

Nung January 2018, napansin nyang namulaklak ang kanyang tanim at pagkatapos ng isang buwan ay nakita niyang namunga ang puno ng apat na mansanas.

"I cannot see any difference between that and a commercial apple because the juiciness and crunchiness is still there," sabi ni Benzone.

Ayon sa isang agriculturist na si Dr. Alexander Campaner, kailangan ng 7 hanggang 12 degrees Celcius na temperatura para sa pagtatanim ng apple tree.

"Based on the studies that I conducted in Benguet, they planted apple trees, but the result is not as good as ours," ayon kay Campaner.

Ayon naman kay Bong Oñate, regional director ng Department of Agriculture XI, eto ang kauna-unahang matagumpay na puno ng mansanas na lumago at namunga sa Mindanao.

Source: ABS-CBN News