Carlos Yulo Nakamit Ang Unang Gintong Medalyon ng Pinoy sa Larangan ng Gymnastics - The Daily Sentry


Carlos Yulo Nakamit Ang Unang Gintong Medalyon ng Pinoy sa Larangan ng Gymnastics



Larawang pinagsama mula sa Facebook at Google
Mahusay ang mga Pinoy pag-dating sa larangan ng sports. Bukod sa pagiging matiyaga nating mga Pilipino, nakikita ng mga banyagang bansa na nagpupunyagi tayo bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa larangan ng pang isahang-palakasan. Tulad na lang ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao na hanggang ngayon ay isang alamat at nanatiling insperasyon para sa ating mga Pilipino. Gayon pa man, meron din namang ibang manlalaro ang taalga namang kahanga-hanga ang ipinapamalas na galing.

Isa na dito ang isang 19 taong gulang na Filipino Gymnast na nagngangalang Carlos Yulo. Ayon sa isang sanaysay, nag-sanay si Yulo sa Tokyo ilang taon na ang nakalipas sa ilalim ng isang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.
Larawan mula sa video ni Red Ox Media Events/Facebook
Sabi nya sa isang interview - “I talked to my mom (Angelika) and she told it was better to go there and train with coach Mune. So I went. I was a shy kid then and there was the problem of communication. It was a bit hard since I was alone.”

Nabangit nya rin ang tungkol sa kanyang training na napakahirap. Gayon pa man, nandoon na rin sya sa Japan, pumasok sya sa Teikyo University bilang isang estudyante at ngayon ay bihasa na sya sa pagsasalita ng lingwahe ng mga Hapon. Tinitingala naman nyang pangalawang tahanan ang Japan sa kadahilanang doon din gaganapin ang paligsahan.

Sa isang palaro na ginanap sa Germany, nasungkit ni Yulo ang ginto sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championship. Halos hindi mailarawan ang kanyang kasiyahan sa kanyang puso dahil na rin sa eto ang kauna-unahang gintong medalyon ng mga Pinoy sa larangan ng gymnastics.
Larawan mula sa video ni Red Ox Media Events/Facebook
Ayon sa ulat,nabingwit nya ang pagkapanalo laban sa pambato ng Israel na si Artem Dogopyat sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang performance na umabot sa 15.300 na puntos. Samatalang ang kanyang katungali ay tinaguriang pinakamataas at nagungunang kalaban.


Dahil dito, naging daan eto upang mapasok nya ang isang slot para sa darating na 2020 Olympics na gaganapin sa Japan.

Source: Facebook