Birth Certificate, Brgy. Clearance, at Iba Pang Dokumento, Libre na Para sa mga First Time Job Seekers - The Daily Sentry


Birth Certificate, Brgy. Clearance, at Iba Pang Dokumento, Libre na Para sa mga First Time Job Seekers



Larawang pinagsama mula sa Google
Good news para sa mga taong unang beses palang maga-aaply ng trabaho dahil hindi na nila kailangan na magbayad para lamang makakuha ng mga dokumento na kanilang kinakailangan na ibigay sa kanilang mga employer.
Larawan mula sa Google
Kamakailan lamang, pinirmahan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11261 o tinatawag din na First Time Jobseekers Assistance Act. Ito ay nailathala sa publiko noong Martes, May 7.

Sa ilalim ng batas, ang mga government agencies ay hindi na maaaring singilin ang mga first-time job seekers para makuha nila ang mga dokumentong kanilang kailangan para mag-apply ng trabaho.
Larawan mula sa Google
Narito ang mga dokumento na kanilang makukuha ng libre:

1. Barangay Clearance
2. Birth Certificate
3. Marriage Certificate
4. Medical Certificate(Public Hospitals)
5. Unified Multipurpose ID
6. NBI Clearance
7. Police Clearance
8. Tax Identification Number
9. Transcript of Record Issued by State Universities and Colleges
Larawan mula sa Google
Ngunit, para ito ay makuha ng libre, ang mga first-time job seekers ay dapat magbigay o maglahad ng kanilang barangay certificate na sinasabi na sila ay talagang mga first-time applicants.
Larawan mula sa Google
Ngunit, hindi kabilang sa A 11261 ang mga tao na kukuha ng kanilang mga professional licensure examinations.

Ang mga aplikante din ay kailangan na magbayad para makuha ang kanilang Philippine passport at Career Service Examination application. Ang pagkuha din ng driver's license ay hindi kasama sa RA 11261. Ang mga taong naghahanap ng trabaho ay maaari lamang itong makuha ng isang beses.
Larawan mula sa ABS-CBN
Larawan mula sa Google
Sa kabilang banda, marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon sa nasabing batas. Marami sa kanila ang nagsasabi na ang mga first-time job seekers lamang ang makikinabang dito.
Larawan mula sa Google
Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“1st time job seekers lang yan..edi wla ng magiging fund ang gobyerno kung free na all the way..isa yan sa fund ng gobyerno.”

“Libre po sa mga unang kukuha at magwowork pa lang.”


“sa pagkakaalam ko lang po ah libre cya sa mga firstime lang po magkatrabho ung mga bago pa lang kkuha ng mga requirements”


Source: AP Announcement