|
Larawang pinagsama mula sa Google at Pinoy Trending |
Ayon sa Mayor ng Narvacan, Ilocos Sur na si Chavit Singson, siya ay may planong magpatayo ng pinakamalaking Jesus statue sa buong mundo.
|
Larawan mula sa Facebook |
Sa isang interview ng ANC, sinabi ni Mayor Chavit Singson na ito raw ay tatawaging “The Resurrection” at may planong ilalagay sa Vigan, Ilocos Sur.
Ayon pa sa kanya, ang nasabing planong statue ay maaaring gawa sa bronze at copper na may taas na 460 feet, ito ay mas mataas ng 300 ft kaysa sa Christ the King statue sa Poland at sa kilalang Christ the Redeemer statue sa Brazil.
|
Larawan mula sa Pinoy Trending |
Inihayag din niya na ang gagastusin sa “The Resurrection” statue ay aabot ng one billion pesos at nasimulan na rin daw ang paggawa nito ngayon.
|
Larawan mula sa Manila Bulletin |
Ipinaliwanag ni Singson na naniniwala siya na kapag natapos ang nasabing statue, maraming Filipino o mga turista ang bibisita dito at ito ay makakatulong sa mga mamamayan ng Ilocos Sur para kumita ng pera mula sa turismo.
Marami rin ang nagsabi na ang statue ay idinesenyo ni architect Richelle Singson na isa sa anak na babae ni Chavit.
|
Larawan mula sa Rappler |
Nang tanungin naman si Chavit kung bakit niya naisipan na magtayo ng ganitong statue, sinagot niyang nakita niya lamang ang ideya sa mga Jesus Christ statues sa iba’t-ibang bansa.
|
Larawan mula sa Philnews |
Hindi rin natin maikakaila na maisipan ito ni Chavit Singson dahil sa siya ay kilalang relihiyosong tao at follower ng Roman Catholic Church.
Source:
Pinoy Trending