|
Larawang pinagsama mula sa Facebook page ni Angel Fonseca |
Natural lang sa mga bata ang pagiging malikot at mapaglaro. Ang karamihan ay talagang naghahanap ng isang lugar para lamang makipaghabolan at makipaghalubilo sa iba pang mga bata. Halos ang mga eto ay umaabot na sa kadulodulohan ng mga lansangan para lang maibsan ang pagkauhaw sa maliligayang sandali ng paglalaro. Itinuturing nila etong pakikipagsapalaran. Sa murang edad, makikita natin ang dami ng mga batang halos tila mauubusan sila ng araw. Ang kanilang oras ay talagang iginugugol nila sa pakikihalobilo.
Karaniwan sa mga batang lumaki sa lansangan ang pagiging mapagmasid at ang mapaghanap ng mga kanikanilang kaligayahan. Ang iba, bukod sa hindi maayos ang kanilang mga pamilya, ay naghahanap na lamang ng isang lugar kung saan makakapanood sila ng telebisyon. Dahil dito, naaliw nila ang knilang mga sarili at kadalasan, eto ay nagiging lunas sa kanilang kalungkotan.
|
Larawan mula sa Facebook page ni Angel Fonseca |
Sa isang post sa social media, ikinaantig ng mga netizens ang nakitang bata na nakikinuod lamang sa isang tindahan sa gilid ng kalsada. Eto ay isang larawan na hindi kuha sa Pilipinas, ngunit sa ibang bansa. Sa isang Facebook page ni Angel Fonseca, nakunan neto ang bata sa lugar ng Mexico, Las Choapas. Naantig ang mga netizens sa nasaksihan kahit napakarami ng taong naging matagumpay pero nagsimula sa ganitong sitwasyon.
Ang nai-post ni Angel ay nagkaron ng samo’t samong reaksyon sa mga netizens mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Tinatayang mayroon na itong reaksyon na umaabot sa bilang na 11,000, 1,200 komento, at ibinahagi sa Facebook ng 136,000 na beses.
Hindi maiiwasan na may mahabag at gusting tumulong sa bata sa pamamagitan ng pagpapadala. Eto ang natanggap ni Angel sa kanyang inbox mula sa kababayan neto o mga local. Samantalang ang iba naman, imbes na pera, ibinahagi na lang nila ang kannilang karanasan noong sila ay bata pa. Nabangit pa ng iba na hanggang silip na lang sila sa kadahilanang hindi sila pinapapasok.
|
Larawan mula sa Facebook page ni Angel Fonseca |
|
Screenshot mula sa Facebook ni Angel Fonseca |
Samantala, ang iba ay lubos na naantig sa kalagayan ng bata lalong lalo na sa mga magulang na nangingibang bansa. Aminado naman sila sa pagkukulang sa mga anak nila kaya nga lang kinakailangan talgang nilang lumayo para makapagtrabaho. Sa iba pa, etong larawang ay nagsilbi ring inspirasyon.
Source:
Facebook