Baha sa Japan, Napahanga ang Netizens Dahil Parang Tubig Ilog kung Tingnan - The Daily Sentry


Baha sa Japan, Napahanga ang Netizens Dahil Parang Tubig Ilog kung Tingnan



Larawang pinagsama mula sa Southeast Asia Network FB Page
Kamakailan lang , nabalitang tatama sa Japan ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa taong eto. Sa naitala ng Japan, halos anim na dekada na ang nakalipas ng nakaranas sila ng isang napakalakas ng bagyo. Ngunit alam naman ng lahat kung ano ang ugali ng mga Hapones; sila ay desiplinado at laging maagap. Kaya naman halos lahat ng dapat gawin para makaligtas sa ganitong sakuna ay agad nilang ginawa at pinaghandaan.

Sa kabila ng paghahanda para sa bagyo, hindi pa rin naiwasan ang pagkasira ng mga nakatayong establisyemento. Ayon sa kasalukuyang balita, may mga naitala na nasawi at lalo pa rin etong tumataas habang ang gobyerno naman ng Tokyo ay nagpadala ng libo-libong mga magreresponde ng tulong.
Larawan mula sa Southeast Asia Network FB Page
Sa kabila ng pagkaparalisa ng Tokyo, at sa patuloy na pananalanta ng bagyong Hagibis, hindi maiwasang mapuna ng mga netizens ang isang post sa social media tungkol sa tubig baha na nakita. Kung baga, ang tubig baha ay natural na Malabo sa kadahilanang may kasama etong mga putik. Ngunit kamanghamangha ang tubig baha na sumalanta sa isang lugar sa Japan habang bumabagyo dahil sa pagiging mukhang malinis eto. Inihayag naman eto ni Yuttana Wangmun sa isang Facebook group na ASEAN world 24, isang Southeast Asia Network. Talgang hindi maiwasan na eto ay mapansin sapagkat sa tindi ng baha ay wala kang makikitang lumulutang na basura dito.

Nabangit ng isang netizen ang paghanga nya rito sapagkat bago raw mangyari eto, kelangan ng matinding desiplina pag-dating sa pagtatapon ng mga basura. Dahil sa larawang eto, hindi maiwasang maikumpara lalong –lalo nan g mga Pinoy an gating bansa sa kanila.
Larawan mula sa Southeast Asia Network FB Page
Screenshot mula sa Southeast Asia Network FB Page
Gayon pa man, hindi natin maaring ikasaya ang ganitong tanawin sa kadahilanang sinalanta eto ng bagyo. Wika ng nga ng isang netizens - “Malungkot dahil sa dinaranas ng Japan dahil sa bagy0. Pero parang mas malungkot yata ako dahil iyong baha nila ay mas malinis pa kaysa sa mga ilog at iba pang anyong tubig natin dito sa Pilipinas.”

Source: Facebook