Photo courtesy of Youtube/Idol Raffy Tulfo in Action |
Humingi
ng tulong sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo ang isang dating US Navy na si
Alberto Frio, 69 years old, dahil sa pangloloko sa kanya ng kanyang dating
nobya na isang balut vendor.
Ayon sa
reklamo ni Frio, paulit-ulit na lang daw ang panglalalaki ng nobyang si Ronilyn
Solis, 29, years old.
Sa
katunayan nga ay anim na buwan na pala itong buntis kahit isang buwan palang
silang hiwalay ng retired US Navy.
Dagdag pa
ng matanda, makailang ulit na niyang nahuli ang nobya at agad naman nyang
pinapatawad ngunit patuloy pa rin ang pangangaliwa ng babae.
Dahil
dito, nagpasya na lamang si Frio na mabawi ang halos apat na milyong piso na
nagastos niya para sa nobya, sa pamilya at maging sa bisyo nito.
Ngunit
mariin namang itinanggi ni Solis ang parating ng dating karelasyon na umabot sa
ganoong kalaking pera ang naibinigay nito sa kanya.
Bagamat
aminado ang nobya na nakabili ito ng bahay at lupa sa tulong ni Frio. Hindi na
rin nito naitanggi pa ang panglolokong nagawa sa dating nobyo.
Pero ayon
kay Solis, hindi siya ang humihingi ng mga ito kundi kusang ibinibigay ito ng
dating nobyo ang mga nagastos nito sa kanya at maging sa kanyang pamilya.
Dagdag pa
ni Solis, matagal na siyang nakikipaghiwalay kay Frio ngunit wala umano siyang
magawa dahil sa pananakot nito sa kanya ngunit itinanggi naman ito ng lalaki.
Nadiskubre
na raw kasi niya na hindi pa pala ito tuluyang hiwalay sa dati nitong asawa at
ayaw daw niyang maeskandalo pa.
Sa
pagtatapos na kanilang usapan, pumayag naman si Solis na ibenta na lang ang
bahay at lupa na naipundar nilang dalawa at hatiin ito.
Ngunit
nagmatigas naman si Frio na kakasuhan pa rin ang ex-GF dahil hindi nito
maibabalik ang halagang nais niya.
Ayon
naman kay Solis, lahat ng binabawi nito ay kusa nitong ibinigay sa mga panahong
sila ay nagsasama pa at wala siyang naitabi mula roon.
Dahil
hindi magkasundo, nagpayo na lamang si idol Raffy na dalhin na lang ni Frio ang
reklamo sa korte na siyang magdedesisyon tungkol sa kanyang reklamo laban sa
dating kinakasama.