Kadalasan, nakakaramdam tayo ng matinding pagsakit sa ating puson kapag ang ating monthly period ay dumadating na. Ngunit, alam niyo ba na ang pagkakaroon pala ng masyadong malakas na period ay maaaring makasanhi ng malalang sakit?
Katulad na lamang ng naging karanasan ng isang babaeng ito. Pagbabahagi nito, na ang kaniyang nararamdaman na 'heavy periods' ng ilang buwan ay 'hormones' lamang, ngunit, siya ay nagulat ng mapagalaman niya na siya ay mayroon na palang 12-centimeter na tumor na unti-unting lumalaki sa kaniyang cervix.
Si Megan Burgeen, 19 taong gulang, na mula sa UK, ay nagsimulang makaramdam ng pananakit ng kaniyang tyan at irregular periods noong September. Madalas din na nangyayari na ang kaniyang pagdudugo ay lumalala na, na kung saan siya ay nahihirapan na din maglakad at hindi na din magawa ang mga bagay na kaniyang nakasanayan gawin katulad na lamang ng pagsayaw.
Megan Burgeen / Caters News |
Aniya,
“It was almost as if I gave birth to it, it was so big.”
Ang namuong dugo na pala ay parte ng tumor na unti-unti ng lumalaki sa kaniyang cervix. Na-diagnose naman siya ng mga doctor na siya ay mayroong isang bihirang uri ng cervical cancer na tinatawag na rhabdomyosarcoma, kung saan ito ay lumalaki sa mga kalamnan ng isang tao.
Sinabi ni Megan na hindi naging madali sa kaniya ang paggaling sa sakit. Matapos niyang ipadala ang litrato ng kaniyang namuong dugo sa doctor, nagmadali ito na magkaroon ng isang internal examination sa kaniya at napag-alaman nga na mayroong isang malaking namumuo na bagay sa kaniyang cervix.
Ayon sa kaniyang nanay na si Jenny,
“The doctor was extremely surprised Megan had gone so long without some kind of internal examination.”
Para kay Megan, ang pag-diagnosed sa kaniya ay isang tagumpay para sa kaniya dahil kahit papano ay nalaman ang tunay nyang kundisyon at maagapan, kahit na ang kapalit nito ay ang unti-unting pagkawala ng kaniyang buhok at ang pagsailalim niya sa hysterectomy.
Saad ni Megan,
“When I finally got a diagnosis, it was like I didn’t have to worry about not being listened to anymore.”
Noong April ay sinimulan na niya ang kaniyang chemo treatment at noong nakaraang buwan nga ay sumailalim na din siya sa hysterectomy. Ang kaniyang mga doctor naman ay nakakuha sa kaniya ng ilang eggs na maaari niyang magamit kung nais niyang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogate process.
Megan Burgeen at home with her mom Jenny.James Speakman / Caters News |
Naging positibo din ang tingin ni Megan sa buhay at alam niyang malalampasan niya din ang kalagayan na pinagdadaanan noong mga panahon na siya ay sumasailalim na sa pag papagamot ng kaniyang sakit.
Sabi niya,
“At first I was upset about the fact I’d lose my hair and not be able to carry children, but in the end, I just ended up looking at the positives like the fact I can be alive to watch my hair grow back and have kids through surrogacy.”
Dagdag niya,
“It made it easier for me to accept it all and realize that it wasn’t the end of the world for me.”
Source: New York Post