Larawang pinagsama mula sa Facebook |
Kamakailan lamang, naiulat isang lola na mag-isang naninirahan isang lumang bahay sa isang liblib na lugar sa Ilocos Sur.
Si Lola Felicidad Cabuena ay mag-isa na lamang naninirahan sa kaniyang bahay dahil ito ay tumanda ng dalaga, base sa impormasyon ng Trending Bytes.
Si Lola Felicidad din ay 101 anyos na ngunit ito ay patuloy pa rin na nagtatrabaho sa bukid base sa ulat ng I-Witness.
Ani Lola Felicidad,
"Hindi ko gusto 'yung laging nakaupo, walang trabaho."
Dagdag niya,
"Hindi puwedeng hindi ako magtrabaho."
Sinabi din ni Lola Felicidad na walang sinomang lalaki ang nagkagusto sa kaniya noon dahil wala naman siyang ganoong itsura na hinahanap ng mga kalalakihan kaya naman siya ay tumandang dalaga at pinili na lamang mamuhay ng mag isa at tumulong sa kaniyang pamilya.
Sabi ni Lola,
"Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko."
Larawan mula sa GMA/Youtube |
Pagpapatuloy niya,
"Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano."
Base kay Regin Cabico siya ang naging tagapag alaga ni Lola Felicidad. Nang alagaan niya ito ay nasa 94 taong gulang na ito. Malayong kamag-anak ni Lola Felicidad ang napangasawa ni Regina. Sa kaniya namang sweldo sa pangangalaga sa matanda, ang mga pamangkin naman ni lola ang nagbibigay sa kaniya ng pera.
Ang lumang bahay ni Lola Felicidad ay puno din ng mga litrato ng kaniyang mga mahal sa buhay. Sinabi din ni lola na isa siya sa mga tumulong na maging matagumpay sa buhay ang ilang miyembro sa kanilang pamilya.
Saad ni Lola Felicidad,
"Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko 'yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?"
Kahit na si Lola Felicidad ay mag-isang namumuhay sa kaniyang payak na buhay, siya naman ay nagsisilbing isang malaking biyaya para sa kaniyang pamliya dahil sa mga tulong na handa nitong ibigay para sa mga ito.