Tumulong, wag puro reklamo! DOTr fires back at Sen. Poe after she slammed MRT - The Daily Sentry


Tumulong, wag puro reklamo! DOTr fires back at Sen. Poe after she slammed MRT





DOTr hits back at Sen. Grace Poe following her recent statement critical of the said agency after an interruption on MRT-3 operations occurred.

A defective door caused the northbound train line to offload around 850 passengers morning of Wednesday, July 3.

The re-elected senator commented on the matter and said: "Halos linggo-linggo na ang aberya sa MRT. Bakit parang lumalala pa ang kundisyon ng train habang kinukumpuni ito?"

The Department of Transportation, on the other hand, was quick enough to retaliate on Poe's argument.

"Dear Senator Poe, Sa isang statement na ibinahagi ninyo sa media, sinabi niyo po na kinakailangang magpaliwanag ang DOTr dahil sa “lumalalang kondisyon” ng MRT-3." the initial statement reads, explaining later in detail how their service improved since Duterte assumed office.

On Poe's call to have the department expound on the issue, she said: "The DoTr should explain to the people how it intends to solve this to allay the fears of the passengers."

Starting on Poe's negative remark, the DOTr elaborated the senator's concern.

"Una, nais po naming liwanagin, once and for all, na hindi totoong mas lumalala ang estado ng MRT-3 ngayon." it said.

Proving Poe otherwise, the transportation agency claimed that their services have — in fact — improved, as opposed to the senator's impression that it is getting worse.

"Sa katunayan, malaki ang ibinaba sa bilang ng unloading incidents sa MRT-3 kumpara noong mga nakaraang taon. Mula Enero hanggang Hunyo 2016, bago pumasok ang administrasyong Duterte, nakapagtala ng 333 unloading incidents ang MRT-3, kumpara sa 14 unloading incidents lamang na naitala mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019." the statement explained.

It also mentioned the root cause of the recent incident, which is brought by the passengers leaning on the train's door.

"Para rin po sa kaalaman ng ating butihing senadora, ang huling nangyaring unloading incident ng MRT-3 ay bunsod ng door failure, na resulta ng pagsandal ng mga pasahero sa pintuan ng tren." it claimed.

The agency also addressed the concern in connection with the service interruptions and said: "Pagdating naman po sa service interruptions, malinaw din na bumaba ang bilang mula sa 31 na naitala noong Enero hanggang Hunyo 2016, kumpara sa 12 lamang mula Enero hanggang Hunyo 2019."

Further, it aimed to make Poe understand how things were when the new management took over under the incumbent president.

"Kung alam niyo lamang po ang aming nadatnan — sira-sirang riles at aircon, hindi namintinang mga bagon, kulang-kulang na spare parts. Hindi po madali, ngunit lahat pong ‘yan ay unti-unti naming sinosolusyunan hanggang ngayon." it said, describing what was left by the previous administration.

It also showcased the agency's immediate action by seeking help from the Japanese government who prides itself in providing high-end technology in transportation services.

"Kaya naman po noong nakaraang taon ay sinimulan natin ang pakikipagtulungan sa gobyerno ng Japan upang maisagawa na ang malawakang rehabilitasyon at maintenance ng buong sistema ng MRT-3. Inalis natin ang mga kailangang alisin, kinasuhan ang mga dapat kasuhan." their statement said.

"Bilang patotoo, nitong May 1, 2019, pormal nang nag-takeover ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy bilang bagong rehabilitation and maintenance provider ng MRT-3. Sila po ang mag-aayos sa kabuuang sistema ng MRT-3 sa loob ng 26 months." it continued.

Despite DOTr's tons of effort in fixing the department's flawed services left by Aquino administration, it admitted that there are still a lot of recovering to do.

"Madam Senator, aaminin po namin na hindi ura-urada ang isinasagawang pagsasaayos ng MRT-3. Napakarami pong kailangang ayusin. Io-overhaul ang lahat ng 72 Light Rail Vehicles (LRVs) nito, papalitan lahat ng mainline tracks, ire-rehabilitate ang power at overhead catenary systems, ia-upgrade the signalling system, communications and CCTV systems, at kukumpunihin ang lahat ng escalators and elevators."

Nonetheless, they vowed to make the total improvement on their services be felt come July of 2021.

"Asahan niyo po at ng taumbayan na pagsapit ng July 2021, o 26 months mula nang magsimula ang rehabilitasyon, ganap nang mararamdaman ang mga pagbabago sa MRT-3. Iaakyat po natin ang bilang ng mga running trains mula 15 hanggang 20, pabibilisin ang takbo ng tren mula 30KPH hanggang 60KPH, at babawasan ang waiting time mula sa kasalukuyang 7.5 minutes hanggang 3-3.5 minutes." they said.

The concerned department made a reassuring statement to Poe by saying they are doing everything they could for the Filipinos to see the day where the MRT-3 is already in a high-grade design condition.

"Madam Senator, kung maaari lang pong i-fast forward ang mga araw upang agad tayong dumating sa panahong nasa high-grade design condition na ang MRT-3, gagawin po namin. Pero ang realidad, hindi po agarang maiaayos ang mga problemang ilang taon ding naipon at napabayaan. Gayunman, ginagawa po namin ang lahat ng hakbang upang makarating tayo doon sa lalong madaling panahon." they said.

In conclusion, they thanked the senator, who heads the Senate committee on public services, for always keeping an eye on MRT-3's performance and informed the official of their mutual objective.

"Salamat po sa inyong patuloy na pagtutok sa performance ng MRT-3. Malaking bagay po na binibigyang-pansin ninyo ang mga nangyayari sa linyang ito. Pareho po tayong walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang serbisyo nito para sa ikagiginhawa ng Pilipino." the statement concluded.

Below is DOTr's complete Facebook post:

Dear Senator Poe,

Sa isang statement na ibinahagi ninyo sa media, sinabi niyo po na kinakailangang magpaliwanag ang DOTr dahil sa “lumalalang kondisyon” ng MRT-3.

Una, nais po naming liwanagin, once and for all, na hindi totoong mas lumalala ang estado ng MRT-3 ngayon.

Sa katunayan, malaki ang ibinaba sa bilang ng unloading incidents sa MRT-3 kumpara noong mga nakaraang taon. Mula Enero hanggang Hunyo 2016, bago pumasok ang administrasyong Duterte, nakapagtala ng 333 unloading incidents ang MRT-3, kumpara sa 14 unloading incidents lamang na naitala mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019.

Para rin po sa kaalaman ng ating butihing senadora, ang huling nangyaring unloading incident ng MRT-3 ay bunsod ng door failure, na resulta ng pagsandal ng mga pasahero sa pintuan ng tren.

Pagdating naman po sa service interruptions, malinaw din na bumaba ang bilang mula sa 31 na naitala noong Enero hanggang Hunyo 2016, kumpara sa 12 lamang mula Enero hanggang Hunyo 2019.

Kung alam niyo lamang po ang aming nadatnan — sira-sirang riles at aircon, hindi namintinang mga bagon, kulang-kulang na spare parts. Hindi po madali, ngunit lahat pong ‘yan ay unti-unti naming sinosolusyunan hanggang ngayon.

Kaya naman po noong nakaraang taon ay sinimulan natin ang pakikipagtulungan sa gobyerno ng Japan upang maisagawa na ang malawakang rehabilitasyon at maintenance ng buong sistema ng MRT-3. Inalis natin ang mga kailangang alisin, kinasuhan ang mga dapat kasuhan.

Bilang patotoo, nitong May 1, 2019, pormal nang nag-takeover ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy bilang bagong rehabilitation and maintenance provider ng MRT-3. Sila po ang mag-aayos sa kabuuang sistema ng MRT-3 sa loob ng 26 months.

Madam Senator, aaminin po namin na hindi ura-urada ang isinasagawang pagsasaayos ng MRT-3. Napakarami pong kailangang ayusin. Io-overhaul ang lahat ng 72 Light Rail Vehicles (LRVs) nito, papalitan lahat ng mainline tracks, ire-rehabilitate ang power at overhead catenary systems, ia-upgrade the signalling system, communications and CCTV systems, at kukumpunihin ang lahat ng escalators and elevators.

Asahan niyo po at ng taumbayan na pagsapit ng July 2021, o 26 months mula nang magsimula ang rehabilitasyon, ganap nang mararamdaman ang mga pagbabago sa MRT-3. Iaakyat po natin ang bilang ng mga running trains mula 15 hanggang 20, pabibilisin ang takbo ng tren mula 30KPH hanggang 60KPH, at babawasan ang waiting time mula sa kasalukuyang 7.5 minutes hanggang 3-3.5 minutes.

Sakali man pong hindi umabot sa inyo ang aming update, nais po naming ipabatid na mahigit 50% ng mga bagong riles ay nai-ship na mula Japan, at inaasahang darating ang mga ito sa bansa ngayong Hulyo hanggang Agosto. Ilang buwang mas maaga po ‘yan sa orihinal na schedule ng delivery. 60 na bagong airconditioning units na rin po ang ating nabili at na-install sa mga bagon ng MRT-3.

Madam Senator, kung maaari lang pong i-fast forward ang mga araw upang agad tayong dumating sa panahong nasa high-grade design condition na ang MRT-3, gagawin po namin. Pero ang realidad, hindi po agarang maiaayos ang mga problemang ilang taon ding naipon at napabayaan. Gayunman, ginagawa po namin ang lahat ng hakbang upang makarating tayo doon sa lalong madaling panahon.

Salamat po sa inyong patuloy na pagtutok sa performance ng MRT-3. Malaking bagay po na binibigyang-pansin ninyo ang mga nangyayari sa linyang ito. Pareho po tayong walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang serbisyo nito para sa ikagiginhawa ng Pilipino.

Lubos na gumagalang,

DOTr MRT-3


Sources: DOTr Facebook page and Inquirer