Jocelle Inocencio and employer Manar Al Khebi. Screengrab from Raffy Tulfo in Action video |
Nagbigay daan ang programag Raffy Tulfo in Action para matiklo ang nasabing scammer na si Jocelle Inocencio o mas kilala bilang JC.
Nagharap si Inocencio at ang amo nyang Russian na si Manar Al Khebi sa mismong programa ni Tulfo.
Noong sya ay nasa UAE, lumapit umano ang Russian sa embassy ng Pilipinas para humingi ng saklolo sa ginawang panloloko ng pinoy ngunit nabigo ito.
Base sa kwento ng kanyang amo, ₱350,000 ang naitangay nito sa kanya. Ayon sa kanya, pinaniwala sya ng nasabing kasambahay na ang naturang halaga ay gagamitin sa pagnenegosyo dito sa Pilipinas.
Bunga ng pagputok ng balitang ito, naungkat ang iba pang mga panloloko ni Inocencio na nangyari umano sa Malaysia.
Ang mabibigat na paratang na ito ang nagtulak kay Inocencio na humarap sa programa ni Tulfo at depensahan ang kanyang sarili.
Subalit imbes na umamin sa mga akusasyon, palaban ang kasambahay na isiniwalat na may namamagitan diuman sa kanila ng kanyang amo.
Pursigidong patunayan ang kanyang sinabi, ang kanyang pruweba daw dito ay alam niya ang mga balat at peklat sa katawan ng nabiktimang Russian employer sa kadahilanang minsan na raw silang nagtalik.
Halos mahimatay ang biktima sa mga pahayag ng tomboy na scammer kung kaya't nag-demand ito ng public apology mula kay Inocencio. Hiniling din ng Russian na mailagay ito sa kulungan kung saan sya nararapat dahil sa ginawa nyang mga scam hindi sa kanya at sa maraming iba pa.
Nangako naman si Tulfo kay Manar Al Khebi na himas rehas na si Inocencio matapos ang gulong ito.
Source: Kami