Poe on DOTr's emergency powers' withdrawal: Ewan ko pero puwede naman nila iatras - The Daily Sentry


Poe on DOTr's emergency powers' withdrawal: Ewan ko pero puwede naman nila iatras




Iniurong na ng gobyerno ang matagal na nitong hinihingi na emergency powers mula sa senado.

Itinigil na ng Duterte administration ang paghingi ng makapangyarihang emergency powers ayon kay Senator Grace Poe.

Kamakailan lamang, inanunsyo ni Sen. Poe ang pagbawi ng Department of Transportation sa hiling na emergency powers sa technical working group meeting kasama ang Senate public services committee noong Lunes.

 “’Yun ang sinabi nila sa TWG. Ewan ko pero puwede naman nila iatras. Pero mayroon naman kami pagkakataon na ayusin ang isang plano para magkaroon ng traffic management,” aniya.

Nakasaad pa sa statement mula sa opisina ni Poe kung saan na-quote si Transportation Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Richmund De Leon: “We actually received a message from Secretary Tugade that he echoes that statement of the President that he will no longer seek for emergency powers.”

Matatandaang noong 2016 pa hinihingi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senado ang pag-apruba sa emergency powers.

Paliwanag ni Duterte, ito lamang ang nakikita nyang paraan upang tuluyang masolusyunan ang trapiko sa Metro Manila, lalung-lalo na sa EDSA.

Ngunit dahil sa matinding pagkwestyon dito ng mga senador partikular si Sen. Grace Poe, ay namatay ang paghingi rito.

Subalit dahil sa lumalalang kondisyon ng traffic, muli itong sinubukang hingin ng Department of Transportation kung saan personal na humarap sa senado ang kalihim ng DOTr na si Sec. Arthur Tugade.

Source: Remate