Nanay, nagulantang nang makita ang orders ng kanyang 5-year-old na anak sa Shopee - The Daily Sentry


Nanay, nagulantang nang makita ang orders ng kanyang 5-year-old na anak sa Shopee




- Nagulantang ang isang nanay matapos makita ang Shopee account ng kanyang anak

- 5 years old lamang ang batang umorder online 

- Katakot-takot sa dami ang inorder nito na ikinabigla ng kanyang nanay



Hindi maikakaila na talaga namang apektado ang mga kabataan kasabay ng pagiging high-tech ng panahon ngayon. Kaya naman hindi na nakakagulat malaman na kahit ang mga bulilit ay marunong na mag-navigate online gaya na lamang ng social media. 

Ngunit sa karanasan ng isang ina na may 5-year-old kid, malala ang nangyari dahil hindi lang ito simpleng paggamit ng Facebook o YouTube kundi online app kung saan maaaring makapag-order. 

Paglalahad ng ina sa Facebook, gumawa ng transakyon ang kanyang batang anak sa Shopee. 

“At tumigil ang mundo ko ng buksan ko ang shoppee account ng anak kong 5 years old,” sabi ng netizen na nagngangalang Cassandra Nichole Alegre.

“Di na pati macacancel ta otw na ang para deliver. Paparanuhon ko daw ni. Ay tlgang makukurot kita Yves. Ay tlga nanggigigil ako.”  dagdag pa nito.

Base sa picture na ibinihagi ni Cassandra, makikitang sangkatutak ang ginawang online purchase ng anak nito na umabot na sa libu-libo ang halaga. 


“Nawala ang antok ko sayong bata ka. Ang dami pa pala sa cart. Pangyayari” aniya pa. 

Narito ang ilan sa mga picture na na-post ni Cassandra na labis na nagpasaya sa mga netizen:
Image from Cassandra's Facebook post

Image from Cassandra's Facebook post


Image from Cassandra's Facebook post

Image from Cassandra's Facebook post

Image from Cassandra's Facebook post

Image from Cassandra's Facebook post
Samantala, inulan naman ng mga nakakatuwang komento ang naturang post ng nanay. 


“Pag ganito mapapakanta ka nalang Sa shopee p p p p p” 

“Hahahhahah marunong mana sa mami hahaha palashopee Sayawan k lng nyan sis tnggal gigil mo” 

“This made my day hehehehe” 

“sad mommy hahaha” 
Source: Kami