Pinagsamang larawan mula kay Nicole Espero/Facebook |
Ngunit, nakakalungkot lang isipin dahil mayroon pa ding ibang tao na ayaw silang tanggapin dahil siguro iniisip nila na hindi na nila kayang gumawa ng iba pang gawain dahil sa kanilang edad. Pero nakakatuwa pa ding isipin dahil mayroong ibang gusali o kompanya na tumatanggap sa taong may edad na upang magtrabaho sa kanila at ipakita pa ang kanilang kayang gawin.
Kamakailan lamang, isang Nicole Espero ang nag-post sa kaniyang Facebook account na naging viral matapos nitong itampok ang isang babaeng may edad na nagtatrabaho sa CEU.
Larawan mula kay Nicole Espero/Facebook |
Makikita din kung gaano kasaya si nanay sa kaniyang napuntahang trabaho at masayang masayang sinasabi na iyon ang kaniyang unang araw sa trabaho. Sinabi din ni Espero na sobrang init ng bati nito sa lahat ng sasakay sa elevator.
Larawan mula kay Nicole Espero/Facebook |
Maraming mga netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa nasabing viral post. Ang ilan sa kanila ay pinupuri ang CEU at sinasabi na tama lamang ang ginawa nila dahil kahit sa ibang bansa, tinatanggap pa din nila na magtrabaho sa kanila kahit na senior citizen na.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
Source: Nicole Espero/Facebook