Anak ng Mangingisda na Viral Noon, Ibinahagi ang Update sa kanilang Bagong Bahay - The Daily Sentry


Anak ng Mangingisda na Viral Noon, Ibinahagi ang Update sa kanilang Bagong Bahay



Photos compiled from Iah Seraspi / Facebook

Ilang taon na rin ang nakalipas, nang isang litrato ng isang kubo na tirahan ang nagviral kung saan mayroong nakasabit na "Top 2" tarpaulin dito. Talaga nga namang nakaka-inspire na makita kung paanong nalagpasan ng isang anak ng mangingisda ang lahat ng hirap at problema at naging Top 2 sa Licensure Exam for Teachers (LET) noong Setyembre 2015.


Ngunit, ilang taon na ang nakalipas simula din noon, nasaan at ano na kaya ang buhay niya ngayon?

Kamakailan lamang, ibinahagi ni Iah Seraspi ang pagbabago na nangyari simula noong magviral ang kaniyang kwento, sa kaniyang Facebook account bilang selebrasyon ng kaniyang 25th birthday.

Kwento niya, matapos niyang ipasa ang LET at naging inspirasyon sa maraming tao, nakatanggap siya ng trabaho mula sa review center na talaga naman nakatulong sa kaniya.

Larawan mula kay Iah Seraspi / Facebook

Sabi pa ni Seraspi, ang bahay na kanilang pinapangarap matagal na panahon na, ay kasalukuyan ng nasa harap niya.

Larawan mula kay Iah Seraspi / Facebook

Pagbabahagi ni Seraspi,

"It all started with a dream. As of the moment, I still can’t believe na nasa harapan ko na ngayon yung matinong bahay na pinangarap namin ng ilang taon. This was the exact location of our old house which went viral and changed our lives 180 degrees"


Larawan mula kay Iah Seraspi / Facebook

Dagdag niya,

"This blessing in front of me reminds me of God’s promise when I was still dreaming: No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love Him."


Saad din ni Seraspi na napili niyang magtrabaho sa CBRC (Carl Balita Review Center). Ang kaniyang trabaho din ay nagbigay sa kaniya ng maayos na sweldo, oportunidad na kailanman ay hindi niya makakalimutan, at pagkakataon na siya ay makapunta at makapaglakbay sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

Larawan mula kay Iah Seraspi / Facebook

Sabi pa niya na kahit kailan hindi niya pinagsisihan ang pagtatrabaho niya sa CBRC kahit ano man ang hirap na kaniyang pinagdaanan habang nagtatrabaho.

Larawan mula kay Iah Seraspi / Facebook

Sabi ni Seraspi na makita ang kanilang bahay ngayon ay nakikita at naalala niya ang mga paghihirap na kaniyang pinagdaanan, stress at lungkot na kailangan niyang harapin at masasabi niyang isa siya sa pinakamasayang tao dahil unti na niyang nakakamit ang kaniyang mga pangarap habang tinutulungan ang ibang tao na makamit din ang kanilang pangarap.

Larawan mula kay Iah Seraspi / Facebook

Sa dulo ng kaniyang post, pinasalamatan niya si Carl Balita na tumulong sa kaniya, naniwal at nakakita ng mga maaari pa niyang gawin.


Pagbabahagi niya sa kaniyang Facebook account,

Topping the board examination opened so much doors for me. But I chose to open one door which led me to my dreams. Choosing to stay and work in Carl Balita Review Center may sound selfish for some but I have no regrets: I chose to be practical, I chose to dream bigger, I chose to achieve greater heights. After all, it’s not only my dream at stake. It’s my family’s dream too. My work in CBRC demanded a part of my life which I willingly gave. Life here has been so good to me but it was never and will never be easy. I may have enjoyed the luxuries of life but I have a little luxury of time to cherish those moments because I chose not to rest even if we were given the privilege to rest. We were given prerogatives to choose our schedule but I chose to work as long as my body can. For my entire three years in CBRC, I’ve been choosing the hard choices because I’m a strong believer that everything will be worth it in the end.


Seeing this home in front of me reminded me of all the hardships I’ve been through. Walang kapagurang byahe, walang maayos at kumpletong tulog, walang boses at masakit na lalamunan, walang kasiguraduhan kung makakarating ng ligtas sa pupuntahan, walang kasalo kumain at walang kasama matulog, walang oras para magbreakdown kapag nalulungkot at madami pang hirap na di ko na rin maalala kasi pinalampas ko na lang dahil ginusto ko to. Pinili ko to. Nothing feels more fulfilling than the thought that while I am helping others to achieve their dreams, I am also achieving my personal dreams.

My endless gratitude to Sir Carl Balita for seeing and believing in my potential. Salamat po sa words of wisdom niyo Sir and for motivating me always that I can be one with my dreams. Sa buong CBRC family, I’m sharing this joy with you. Kayo po ang naging sandalan ko. Sa lahat ng Eagles na nagtiwala at nagtitiwala sa CBRC, part po kayo ng meron kami ngayon.

The dreamer is now one with her dreams. On to the next goal! To God be all the glory.

To God be all the glory.

For my 25th year of existence, this is the best gift I could ever receive.

Source: Iah Seraspi / Facebook