A Powerful Open Letter to Vice Ganda: "Your argument is beyond logic" - The Daily Sentry


A Powerful Open Letter to Vice Ganda: "Your argument is beyond logic"



A Powerful Open Letter to Vice Ganda: "Your argument is beyond logic"
Photo from ABS-CBN News
An open letter of a netizen addressed to Vice Ganda is making rounds online after the latter opposed Sen. Tito Sotto's stance on the SOGIE Bill.

The said letter that was posted on a Facebook Page stated that Vice Ganda's argument is beyond logic.

Below is the full open letter:

TO VICE GANDA ( OF IT'S SHOWTIME ):

This is in response to your argument about womanhood refuting the statement of Senator Sotto that “If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman."


Ito naman ang sagot ko sayo Tita Vice Ganda: Sorry but not sorry, your argument is beyond logic.

I don't like Senator Sotto in most of his previous stands especially about politics, but this time, i agree with him.

Never maging tunay na babae ang ipinanganak na lalake sa mundo. And that is the Law of Nature. Ang pagiging Gay ay isang phenominal feeling lang yan na nagmamahal sa kapwa parehong kasarian, at di yan mali dahil ang Love kahit kailan walang mali.

Pero ang pagiging Transgender, Cross-dresser o Transwoman ay isang practical choice ng Gay yan na parang pangarap o career na gusto nyang seryosohin to satisfy himself at para maidentify siya sa kapwa nya ring Transgender, Cross-dresser o Transwoman na makasalamuha nya. It's a lifestyle.

Maihalintulad din yan ng pangarap ng isang pinagkaitan ng magandang mukha, at nang nagkapera, nagparetoke at ginaya ang mukha ng kanyang idolong artista para may iibig sa kanya na taong pinapangarap nya. It's not a must or compulsory na kailangan nyang gawin yan para maging equal na sya sa mga babae. God created only Man and Woman. He created Adam and Eve as the first man and woman ( only ) the origin of mankind, and no Steve as a soul of a woman inside the body of a man. God did not make a mistake, and He never does mistakes.

Pwede naman maging Gay kahit suot lalake o kilos lalake. Yung pagpapalit ng sex organ ay malaking kasalanan yan sa Diyos if you believe in God and the Bible. At never maging tunay na babae ang isang Gay kahit magpalit pa ng sex organ. Walang ovary at never magmenstruate at never magkaanak ang isang transwoman. At tungkol sa mga babae, kahit pa baog ang babae at hindi magkaanak, natural ang ovary nya kahit may deperensya. Parang disability lang yan na di sya pwede manganak. Kaya kahit di nagkaanak ang babae, di pa rin nawawala ang kanyang pagkababae. At kahit pa nagmenopause na ang babae, di pa rin nawawala ang kanyang femininity. Malaki ang pagkakaiba ng Natural sa Artificial, sa Original vs Synthetic.

Finally, this is my stand: #NOTOSOGIEBILL. Ang kailangan lang dito ay RESPECT sa mga myembro ng LGBT. Batas laban sa pambabastos sa mga lantad na at sa mga halata ( dahil marami pa rin ang mga di nagpapahalata at nagladlad ) the same way na huwag din sila mambastos sa kahit kanino lalo na pag may makitang sexy at gwapo. NO MORE ADDITION, NO MORE. COMPLICATION.

Dahil meron na tayong Bill of Rights sa Constitution at Gay friendly na ang Pilipinas. Tatamaan ng SOGIE Bill ang mga Religious institutions. Isipin mo na lang na kakasuhan ng kriminal ang sinumang magdiscriminate sa mga Gay, Lesbian, Transgender, Cross-dresser etc.? Paano na ang mga Christian at Catholic schools na mahigpit ang rules and regulations? 

Ang mga Religious sects na mahigpit ang dress code sa araw ng worship o pagsamba? At sa trabaho, ganun din, may mga company na mahigpit ang policy. At mahirap madistinguish o madetermine kung alin sa kanila ang Gay, Lesbian, Transgender at Bisexual. Kase may mga Gay na itsurang astig na lalake, may mga Lesbian na itsurang mahinhin na babae, may mga Transgender o Transvestite o Cross-dresser na ginagawa lang nila yan pag gabi kung gigimik, pero sa araw suot lalake, walang make up at walang wig. 

Bukod pa sa may mga Transgender o Transvestites na kahit long hair at naka-make up, mukha pa ring maton o barako. Tapos papapasukin sa CR ng babae? At lalo na sa mga Bisexual, mahirap makilala, the more sa mga Discreet.. Kailangan pa bang interbyuhin o itest sila kung anong gender sila? That is pure Discrimination. Dahil ang pagiging Gay, Lesbian, Bisexual at Transgender ay wala sa itsura, kilos, boses at suot yan, kundi nasa puso yan.

Source: Facebook Page