Photo courtesy of Facebook/Armand Vincent Sese |
Marami ang natuwa sa isang Grade 2 student dahil sa kanyang kakaibang sagot sa kanilang exam sa paaralan. Dahilan para maging viral ito sa social media.
Tila naging comedy kasi ang naging sagot ng nasabing bata at maraming mga netizens ang talaga namang natawa sa mag-aaral na napaka witty sumagot.
Ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Armand Vincent Sese, ang nasabing sagot ng estudyante dahil walang tigil ang kanilang kakatawa sa naging sagot ng pamangkin.
“So we can't stop laughing because of the answers of my grade 2 pamangkin in one of her tests,” post ni Armand sa kanyang Facebook.
Napagbaliktad ng estudyante ang kanyang naging sagot sa test, nakalagay kasi sa exam ang mga tanong at sagot ng pamangkin na:
“Mahilig kumain ng saging ang mga Bb. Jocelyn sa gubat.”
“Aang aming guro sa Science ay si unggoy.”
Maging ang mga netizens ay labis na natawa sa naging sagot ng Grade 2 student. Narito ang ilan sa kanilang mga komento nila sa Facebook:
“kanina pa ko tawang tawa dito huhuhu”
Larawan mula sa KAMI |
“Napahalagapak pa ko ng tawa. Lt .hahahaha”
“Ahaha. Next time, maam wag na kayo kumain ng saging. Ahahahahaha nagugulo isipan ng bata just saying. Pero laughtrip to. Ahaha”
"HAYOPPPP HAHAHAHAHAHAHHA MAY GALIT KAY TITSER”
“Galing nmn sumagot hahaha”
"Tawang tawa ako pri HAHAHAHAHAHA”
“napaugly laugh talaga ako, hindi ko mapigilan”
Samantala, may mga netizens din namang umalma at nagsabi na huwag na sanang pagtawanan ang bata at ituro na lang ang tama rito. Ito naman ang kanilang mga naging komento:
Larawan mula sa Understood.org |
"Hindi dapat pagtawanan...Kung sakaling ikaw ang nagimg guro sa pamangkin mo tapos yan ang sagot nya...ituro ang tama.”
“Baka naman po hindi pa gaanong nakababasa pa ang bata, kung nababasa naman nya at may pag unawa, imposibleng hindi niya masagutan nang wasto, unless sinasadya nya. Pero sana itama po, huwag pagtawanan.”
“Nagkamali lng naman..nagmamadali cguro sa pagsagot”
“It seems he or she is confuse of her answer at the same time over excited xa because he or she knows the answer. Mistake is common to all. At his or her age, still innocense about his or her answer. This is my own opinion.”