Rep. Sara Elago, photo from Interaksyon |
Si Atty. Bruce Rivera ay nagsulat ng bukas na liham para kay Rep. Sara Elago matapos sabihin handa syang mamagitan sa mga kabataang sumapi sa grupo at mga magulang nito para madali daw maihayag ng mga estudyante ang mga nasa isip nila sa kanilang mga magulang.
Basahin ang buong open letter:
KABATAAN Rep. Elago, handang mamamagitan sa mga kabataan na sumapi sa mga grupo at ang mga magulang nito para daw magiging madali na maipahayag ng mga kabataan ang mga nasa isip nila sa kanilang mga magulang.
Atty. Bruce Rivera |
Yan kasi ang problema ng sumobrang demokrasya. Mga kabataang humihingi ng sobrang kalayaan, nakabasa lang ng konting libro, inakala na mas magaling na sila sa mga taong mas maraming karanasan sa buhay tulad ng mga magulang at nakakatanda. Ito ang mga kabataang iniisip na ang aktibismo ay ang kumawala sa inakalang tanikala ng pagiging anak sa kanilang ama at ina.
Kaya nga may parental authority hanggang 21 years of age dahil ang mga kabataan ay may hindi pa hinog gumawa ng mga desisyon sa buhay para hindi na kailanganin ang mga magulang nito. Yan ang dahilan bakit binigyan ang bawat magulang ng responsibilidad sa mga anak nito na ayon sa Saligang Batas at Kodigo Civil.
Tapos ngayon, itong si Elago na hindi pa nasubukan maging ina at ang tanging naging karanasan maging miyembro ng Kamara ay magreklamo sa daan at manghikayat ng mga kabataan upang suwayin ang mga magulang na mamagitan sa usaping anak at magulang.
Ibalik na nga natin ang corporal punishment sa mga bata. Sumobra na ang pagbebeybi natin sa mga bata ngayon. Self-entitled, feeling strong, puro reklamo at lahat sa kanila ay mahirap gawin. Parang si Elago lang.
Kaya nga ayaw ko maging magulang. Isipin mo lang, maghihirap ka sa pagbubuntis, papalakihin mo, pakakainin, papag-aralin, binilhan ng cellphone tapos bigla kang lalayasan at magiging "who you" ka. Ngayon, kailangan pa mamagitan ang isang Sarah Elago para makausap mo yung anak mo na pinunit ang p*k-p*k mo!!!
Aba, mag-aalaga na lang ako ng aso at pusa. At least, sigurado ko na pag may Elago na dadating sa bahay ko, kagat at kalmot ang abot niya.
Source: Atty. Bruce Rivera