Satur Ocampo and President Rodrigo Duterte / Photo from Abante |
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay umantabay sa mga kaganapang nag – uugnay sa nangyaring pag – dakip sa grupo nina Alliance of Concerned Teachers (ACT) Representative France Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo na naging dahilan kung kaya’t hindi ito nakasipot sa ika – 155 Anibersaryo ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City nitong Biyernes.
Ayon sa sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, pinangambahan ng Pangulo ang sitwasyon ng mga batang menor de edad na tinangay ng grupo ni Ocampo kaya’t nagpasya itong bumalik ng Davao.
Kasabay nito, binanggit din ng opisyal na wala umanong ‘Special Treatment’ na maibibigay kina Ocampo kaya’t itatrato ang mga ito kagaya ng ibang presong nakagawa ng kasalanan.
“No special treatment kasi lumabag siya sa batas. Itatrato siya like any other na lumabag din sa batas,” ayon kay Medialdea.
Due Process Pina - Iral
Nanindigan naman ang Malacañang na maayos na sinunod ang ‘due process’ matapos madakip ng awtoridad sina Ocampo at iba pa.
Lumad Leaders meet President Rodrigo Duterte / Photo from inquirer |
Pinayuhan pa ng Palasyo ang grupo nila Ocampo na iwasang gawing ‘circus’ at magdulot ng propaganda laban sa gobyerno mula sa naganap na pag – dakip.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi makatutulong sa kaso nina Ocampo ang ano mang pagtatangka na gawing trial by publicity ang usapin kaya’t mas mainam na hintayin na lamang ang pormal na hatol laban sa dating mambabatas at iwasang maglahad ng anumang ‘premature’ na konklusyon.
Rights Group Dismayado
Kinondena ng ilang Rights Group kabilang na ang mismong pinamumunuan ni Ocampo na Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan Bloc ang pag – aresto ng kanilang Pinuno kasama si ACT Teacher’s Party list Representative France Castro sa Davao Del Norte noong Miyerkules ng gabi.
Photo from CNN Philippines |
Sa isang opisyal na mensahe nitong Huwebes, Nobyembre 29, sinabi ng representante ng grupo na, “The Makabayan Bloc condemns in the strongest possible terms the illegal detention and trumped up charges filed against the delegates of the National Solidarity Mission (NSM) including ACT Teachers Party – List Rep. France Castro and former Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo by the joint forces of the Talaingod Police and the 56th IB with the Talaingod Municipal Social Work and Development Office. Rep. Castro and her 73 companions have been d*tained at the Talaingod Municipal Police Station since 9:30 yesterday.
We call on the PNP – Talaingod to immediately drop the trumped-up charges against Castro, Ocampo and the school administrators. We demand for the whole delegation’s immediate and unconditional release. We call on every member of the House of Representatives to take action and condemn this illegal act committed against their colleagues.”
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: Abante