Saan aabot ang 140k mo? Inaasam-asam na engrandeng kasalan, nauwi sa demandahan; manlolokong coordinator, kulong! - The Daily Sentry


Saan aabot ang 140k mo? Inaasam-asam na engrandeng kasalan, nauwi sa demandahan; manlolokong coordinator, kulong!



Yhang-Yhang FB post
Isa na siguro sa pinakahihintay na sandali at pinakapinaghahandaan ng lahat ang selibrasyon ng Kasal. Ito ay ang yugto sa buhay ng mga magsing-irog na kung saan sadyang ito’y pinag-iipunan at pinaglalaanan ng pawis, pagod at panahon ang bawat detalye ng plano sa kasal.

Para sa ibang may sapat na pera ay kumukuha sila ng wedding coordinator, ito'y upang sila na ang mag-aayos lahat lahat ng mga pangailangan mula sa plano hanggang sa pinakadulo pang detalye ng preparasyon ng kasal.

Ngunit ang pinakahihintay na araw at inaasahang pinakamaligayang kasalan ay tila bay naging bangungot at kabaligtaran ang nangyari.

Kasiyahan lang sana ngunit. . .

Sa isang viral Facebook post ni Yhang-Yhang, ibinahagi niya ang nakakagalit at nakakapanlumong karanasan nila at ng mag-asawang Pinay at Taiwanesse sa isang pinagkakatiwalaang wedding coordinator.

“Yung tipong pagkatapos sana ng wedding ay honeymoon nah,kaso sa presento ang deretso!,” salaysay ni Yhang.

Labis nilang ikinagulat ang malaking skandalo na kinahahantungan ng kasal dahil di umano’y walang ayos ni bulaklak sa simbahan. Lumala pa ang sitwasyon pagkatapos ng kasal dahil walang din umanong pagkain na nakahanda para sa mga dumalong bisita.

Eskandalo. Abala. Kahihiyan

“Ateng malaking eskandalo,abala At kahihiyan ang ginawa!dkana naawa sa ikinasal. San napunta ang 140k?,yung simbahan wlng bulaklak,” sulat nito.

“Yung pagkain sa karenderia lang binili kasi nga walang pagkain na nakahain At yung ikinasal pa ung nag shoulder which is d naman tama na cla pa ang nagkakandarapa,.ako na translator naging waitress,.taga asikaso ng guests na ultimo tubig wala!.” dagdag niya.

Ibinahagi din ni Yhang na may 107 ka mga bisitang dumalo sa kasal, ngunit ang pagkain na handa ng wedding coordinator ay “dalawang andoks”

“107 na katao magdadala kalang ng dalawang andoks,"

"At paghati hatiin,ung 2 layers cake hayan ang ganda ,stryro lang at pinatungan ng isa.,bongga ang hotel pati reception pero tinipid mulang,ung wine juice lang,”

Photo grabbed from Yhang-Yhang post
Kung ganito ang mangyayari sa lahat ng gastos at pinaka-panapanabik sana na sandali ng inyong kasal, ano kaya ang gagawin at mararamdaman niyo?

Basahin ang buong salaysay ni Yhang:

Yung tipong pagkatapos sana ng wedding ay honeymoon nah,kaso sa presento ang deretso!.,ateng malaking eskandalo,abala At kahihiyan ang ginawa!dkana naawa sa ikinasal!., unang dating palang namin alam na naming heto ang mangyayari eh,.pero d kami nag back out dahil andito na eh,.coordinator ka pero dmo inayos!., san napunta ang 140k?,yung simbahan wlng bulaklak,yung pagkain sa karenderia lang binili kasi nga walang pagkain na nakahain. At yung ikinasal pa ung nag shoulder which is d naman tama na cla pa ang nagkakandarapa,.

ako na translator naging waitress,.taga asikaso ng guests na ultimo tubig wala!., takbo dito takbo duon,my goodness!tapos pag tinatanong ka anong next sa program ikaw pa galit.,

Ung isang beses lang mangyayari sa tanang buhay nila pero anong ngyare?jusko ung bbq mo asan?eh 107 na katao magdadala kalang ng dalawang andoks At paghati hatiin,ung 2 layers cake hayan ang ganda ,stryro lang at pinatungan ng isa.,bongga ang hotel pati reception pero tinipid mulang,ung wine juice lang, tapos oras na ng bayaran sasabihin mo walang cash?deposit nalang bukas,.abay san napunta ang 140k?.,

Photo grabbed from Yhang's Fb post
jusme marimar, kesyo tinakbuhan ka ng business partner mo,nasa airport na, ninakawan kapa ?tsk!very wrong ate!sabi mo shoulder mo pati dress koh? Pero kinabukasan sasabihin mo hanap nalang ako?kung kelan rushed hour nah?., pero anong ngyri? Naabala mo na kami,. Nag stay pa sa kulungan para sa bayad samin na dapat earlier palang na settle moh na ,.kulong ka ngaun!

NAKAKAHIYA SA TAIWANESE NA GROOM at sa family!pati nadin sa pamilya ng bride galing pang antique,palawan At taiwan para lng dumalo sa kasal.,kaya sana maging lesson to sau at sa mga iba pang nabiktima mo,.wag ng maulit pa!.,

Video credits to owner (Yhang-Yhang)




****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Yhang Yhang | Facebook