Manila Bay isasailalim sa rehabilitasyon gaya ng sa Boracay - The Daily Sentry


Manila Bay isasailalim sa rehabilitasyon gaya ng sa Boracay



Manila Bay / Photo from Spot.ph
Naghahanda na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang isailalim na sa kinasasabikang rehabilitasyon ang sikat na Manila Bay at maibalik ito sa dating alindog.

Ito ay dala narin ng matagumpay na naunang paglilinis at pagkumpuni sa isla ng Boracay na isinagawa kamakailan kung saang ipinasara ito sa loob ng anim (6) na buwan.


Bagama’t kilala ang Manila Bay bilang isa sa may mga pinakamagandang sunsets, talamak naman sa basura at nakakalasong kemikal ang dalampasigan nito na nagmumula sa mga barko, at pabrika na nakapalibot dito.

Layunin ni DENR Secretary Roy Cimatu na maibalik sa dating kalagayan ang Manila Bay upang mapanatiling angkop sa paglangoy, diving at ibang uri ng ‘recreation’.
Manila Bay / Photo from Manila Informer
Sa isang mensahe, sinabi ni Cimatu na “We are preparing for an all-out strategy to bring the coliform concentration in Manila Bay to a safe level so that millions ofpeople who reside in the bay region and neighboring areas will enjoy its water sand marine resources without fear of getting sick.”

Umaasa si Cimatu na kung ano man ang nakuhang tagumpay sa pagkumpuni ng Boracay ay siya ring makakamit sa pag – papabago ng Manila Bay.

Hinimok ng Environment Chief ang gobyerno na ipakita ang parehong ‘level’ at political will para linisin ang Manila Bay gaya ng ginawa nito sa Boracay na napalilibutan ng National Capital Region (NCR), Central Luzon at CALABARZON o Region 4A.

Dagdag pa ni Cimatu, bahagi ng layunin ng DENR ang tiyakin ang compliance ng environmental laws kabilang dito ang lahat ng local government unit (LGUS) sa paligid ng Manila Bay.

Aniya, “I am calling on all LGUs to step up their effortsin cleaning up the bay because it is their own constituents who will benefit (from a rehabilitated Manila Bay).”
Manila Bay / Photo from metromanila.politics.com.ph
Bagay na ikinatuwa at ipinagmalaki naman ng netizen na si Mark Lopez kung saang ibinahagi nito sa isang Facebook post ang naturang pagpapa-unlad.

Ayon sa post ni Mark, sinabi nito na, Ito naman si Digong Diktador pauso eh... “Pagkatapos ng Boracay, may mga iba pang mga lugar na gusto pa i clean up! Gusto ayusin lahat! Ano ba yan?!!!”

Sinundan naman ito ng iba pang pabirong komento mula sa ibang netizens gaya ng sinabi ni Athena Grace Pacheco Belvis: “Bwisit c digung. Db cia marunung mgpbaya? Ayan 2loy, ang linis na ng boracay, my bgo na naman pnagdidiskitahan? Magng kurakot ka naman na presidente, prrd, ng matuwa naman mga buwaya sau at manliit na naman ang ordinaryong pilipino. Wag ka nga pakialamero para ung standard ng pmumuhay ng ordinaryong trabahante, hnd na umunlad at lalo lng mbaun sa utang! Bkt m b pnagpapatuloy ang drug war, kita m mrami na kriminal at adik takot lumabas ngaun, nkakaawa cla, at nkakaawa na dn ung mga kriminal, d m cla pnapakinggan, at nagagalit cbcp sau. Bkt dkna lng mg tour2 at pbyaan m malugmok ang ekonomiya ng pnas? Bkt m pnakikilos ang pnp at afp yn 2loy huli mga kumunista? Anu kb? Anung klaseng tao ka at dka ngpapahnga gumawa ng mbuti? Bkt b sa kbla ng pgmumura m mrami ung naitulong m, manahmik kna nga lng! Tumgl ka!”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.